7 Epektibong Paraan Para Makaiwas sa Dengue

No to Dengue!

0
111
7 Epektibong Paraan Para Makaiwas sa Sakit na Dengue
Kahit na madalas na kaakibat ng tag-ulan ang sakit na dengue, ayon sa mga eksperto, walang pinipiling panahon ang mga lamok na ito.

Ano nga ba ang dengue? Nanggaling ang sakit na ito sa kagat ng lamok na Aedes Aegypti na nagdadala ng virus. Ang virus na ito ay inaatake ang katawan dahilan upang lagnatin at labis na pagsakit ng katawan ng isang tao. 

Walang pang tiyak na lunas laban sa dalang virus ng lamok na Aedes, kaya’t kailangang mag-doble ingat dahil walang pinipiling taong aatakihin ang lamok na ito. Ngunit kahit na madalas na kaakibat ng tag-ulan ang sakit na dengue, ayon sa mga eksperto, walang pinipiling panahon ang mga lamok na ito. 

Kaya ating talakayin ang mga epektibong paraan para makaiwas sa sakit na dengue:

1. Panatilihing malinis ang kapaligiran sa buong bahay.

Siguraduhing malinis ang bawat sulok ng inyong bahay upang hindi pamahayan ng lamok. Madalas kasi nilang pinamamahayan ang mga maruruming lugar. Kaya marapat na maiging linisin ang bawat parte ng inyong bahay lagi. 

2. Huwag mag-stock ng tubig sa gulong, lata, at paso na maaring pamugaran ng mga itlog ng lamok. 

Kung maaari, huwag hayaang nakaimbak ang tubig sa mga gulong, paso, o anumang hindi sadyang imbakan ng tubig. Dahil ang stagnant water sa isang lalagyan ay maaaring pagpugaran ng mga lamok. Maaaring siguraduhing may takip ang mga ito kung iimbakan ng tubig. 

3. Hangga’t maaari ay umiwas sa mga matataong lugar. 

Ayon sa mga pag-aaral, madalas ang epidemya ng dengue sa mga malaking populasyon na lugar tapos ay kulang ang suplay ng tubig. Lalo pang lalala ang sitwasyon kung ang lugar ay hindi gaanong malinis. Kaya hangga’t maaari ay manatili na lamang sa mga malilinis na lugar. 

4. Gumamit ng mosquito repellant kahit pa nasa loob lamang ng bahay. 

Ang mosquito repellent lotion ay makakatulong din sa pag-iwas sa kagat ng lamok. Kaya bukod sa paglinis ng iyong kapaligiran at sa iyong katawan (dahil mas lapitin ang mga pawisin) ay maiging gumamit lagi ng mosquito repellent. 

5. Paganahin ang air condition kapag nasa loob ng bahay. 

Kung maari ay laging buksan ang aircon sa loob ng bahay o kwarto kung walang screen ang mga bintana at pinto. Nakatutulong ang pagbubukas ng aircon sa isang lugar dahil ayaw ng lamok sa malamig. 

6. Isara nang maayos ang mga bintana at pinto.

Kung walang mga screen para protektahan ang miyembro ng pamilya sa loob ng bahay, siguraduhin na lamang na nakasara ang mga ito sa takdang oras na madalas umaatake ang mga lamok na nagdadala ng dengue virus. Ang mga Aedes Aegypti ay aktibo sa umaga, dalawang oras pagkatapos sumikat ang araw at hapon, dalawang oras bago lumubog ang araw.  

7. Gumamit ng kulambo at aerosol spray sa loob ng bahay. 

Kung wala namang aircon ang kwarto, maiging gumamit ng kulambo upang maprotektahan ang sarili laban sa mga lamok na maaring nakapasok sa loob ng kwarto. Gumamit din ng aerosol spray para maiwasan ang lamok sa mismong loob ng bahay. 

Banggit ng mga eksperto, “Prevention is better than cure,” kaya mas mahalagang handa ang bawat miyembro ng pamilya at komunidad kaysa malagay sa peligro ang buhay ng nakararami.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here