“Chance na mag-grow”, ani Alden sa pagkawala sa love team

0
71
Alden-Richards-blessing-ang-di-niya-pagka-involve-sa-love-team
Alden Richards

Sa press conference ng bagong teleserye ng GMA Network na ‘The Gift’ noong Lunes, tinanong ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards kung ano pinakamagandang regalo ang natanggap niya. 

Mabilis niya itong sinagot at sinabing, “Ang pagiging actor ko po.”

“With this gift, binago po nito ang buhay ko. But, as much as it’s changing my life, I’m changing others as well through the inspiration they get through the projects that I make, especially po the fans,” paliwanag ng aktor.

Dagdag pa ni Alden na natutuwa pa siya lalo dahil mahal niya ang kanyang naging trabaho. 

“Mas minamahal ko po siya kapag may nababasa akong comment, mga lumalapit na, ‘O, Alden, ang ganda ng ginawa mo na ganitong klaseng project and you changed my life.’ And siguro, yun po ang nagiging goal ko.”

Ibinahagi rin ng aktor na iniisip niya lagi kung paano makakapagbigay ng inspirasyon ang kanyang mga ginagawa sa mga tao. 

“Sa lahat ng ginagawa kong proyekto, gaano ba kalaking inspirasyon ang maibibigay nito sa mga manonood and sa sarili ko and sa co-actors and everyone involved in the creative process.”

Para kay Alden, ang pagbibigay ng inspirasyon sa marami ang “higher calling” nilang mga aktor.

“The higher calling po sa aming mga actors is really to give inspiration to people at mga kababayan nating Pinoy.”

Samantala, sinagot din ni Alden Richards ang tanong kung para sa kanya, gift ba ang hindi na niya pagka-involve sa love team. 

View this post on Instagram

#KiligPaMore

A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979) on

Matatandaan na nabuo ang phenomenal na tambalan nila ni Maine Mendoza na binansagang ‘AlDub’ noong 2015 sa segment ng programang Eat Bulaga na Kalyeserye. Subalit nitong taon, nagsimula nang magkaroon ng hiwalay na proyekto ang dalawa.  

“Blessing in a way po na binigyan po ako ng chance na mag-grow,” tugon ng aktor. 

“Blessing din po yun kasi masarap po ang pakiramdam na nakakagawa ka ng mga proyekto na nagiging proud ka sa sarili mo. So, masaya po ako sa mga nagiging desisyon ko ngayon,” dagdag niya. 

View this post on Instagram

Kita kits bukas!

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02) on

Mapapatotohanan naman ito dahil naging isang malaking hit kanyang pinakahuling proyekto na ‘Hello, Love, Goodbye,’ kung saan nakapareha niya ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.

Ito ngayon ang may hawak ng record bilang highest-grossing film sa Pilipinas na may halos P900 million na box-office gross. 

Sa kabilang banda, kasalukuyan namang gumagawa ng pelikulang pinamagatang ‘Isa Pa With Feelings’ si Maine kasama rin ang Kapamilya aktor na si Carlo Aquino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here