Alexa Ilacad, itinangging niloko si Nash Aguas

0
127
Alexa-Ilacad-itinangging-niloko-si-Nash-Aguas
Alexa Ilacad at Nash Aguas

Sa presscon ng pinagbibidahang pelikula ni Alexa Ilacad na ‘Santigwar,’ itinanggi nito ang paratang ng kampo ng dating ka-love team na si Nash Aguas na nanlalaki raw siya.

“When I saw I was trending, it was because his camp or his fans were bashing me and were trying to spread rumors about me,” pahayag ni Alexa. 

“The same rumors that they have been spreading all these years since, I think, 2017, na parang sinasabi nila na I have no right to talk about that ‘13 years thing’ and all of that, because ako naman daw ang nanloko,” sabi ng dalaga.

Halata naman daw kung kanino nanggaling ang impormasyong na nagloko siya, kaya naman lalong sumama ang loob nito. 

“Where would the fans get the idea na nanlalaki ako? Someone fed it to them. And who was that someone? It’s Nash.”

“You said you love me, would you do that to someone you love? Would you throw them under the bus over something that isn’t even true?”  aniya.

Napatunayan din daw ni Alexa na si Nash ang nagkakalat nito nang sabihan siya ng kanyang make-up artist tungkol dito. 

“Sabi ng make-up artist sa akin, ‘Beh, sabi ni Nash, nanlalaki ka raw.’ So, ipinagkakalat niya yung assumptions niya. It was purely his assumptions,” giit ng Santigwar star. 

Samantala, hinamon ni Alexa ang kampo ni Nash na ipakita ang kanilang pruweba sa panlalaki or panloloko niya. 

“Please show me the proof you have before you talk about anything because I’m confident that there’s nothing. Wala nga akong dyowa, eh.”

Dagdag pa niya, hindi raw siya takot dahil wala naman daw mailalabas ang mga fans ni Nash kahit ano pang pa-trend ang gawin nila sa Twitter.

‘So, so toxic’

Sa pagbabahagi nito, hindi naiwasang ibunyag ni Alexa ang ilan sa mga pangyayari sa loob ng relasyon nila ng batang aktor. 

“Nash became very jealous, he became very controlling, especially because he wanted me to be his girlfriend but I couldn’t say yes,” pahayag niya. 

“So, I think that created insecurities with him, and that just became so, so toxic na sabi ko, ayoko na. Parang he was making me choose na, ‘me or your music’.”

Napagtanto raw ng dalaga na ayaw niya ng ganitong relasyon, kung saan kailangan niyang mamili. 

’13 years and I still love you’

Noong nakaraang linggo, nagtrending sina Alexa at Nash dahil sa reaksyon ng dalaga sa komento ng aktor sa Instagram post ni Mika Dela Cruz, na “13 years and I still love you.”

“I knew in my heart that they never lost connection, that there is a special place in Nash’s heart for Mika,” sabi nito sa kanyang panayam sa ‘Tonight With Boy Abunda.’

“Napaisip lang ako when I read that ‘13 years’ thing kasi inside that 13 years I was there. So when you say that, ‘13 years and I still love you,’ where was I?” 

Ayon sa kanya, may pinagsamahan sila na apat hanggang limang taon sa loob ng 13 years na iyon. 

“Maybe that hour I cared but I then said to myself, ‘Not worth your time, move on’.”

13-years-and-i-still-love-you
(Image source: Twitter @wonder_brie)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here