‘I thought we were friends,’ ani Alexa Ilacad kay Sharlene San Pedro

0
158
_‘I-thought-we-were-friends,’-ani-Alexa-Ilacad-kay-Sharlene-San-Pedro
Masama ang loob ni Alexa Ilacad sa dating kaibigan nitong si Sharlene San Pedro.

Naglabas ng sama ng loob si Alexa Ilacad sa kanyang mga dating kaibigan na sina Sharlene San Pedro at Nash Aguas. 

Kamakailan ay sinagot na ng young actress ang mga tanong tungkol sa mga bali-balitang pangangaliwa niya sa naging relasyon nila ni Nash Aguas

Ngayon naman ay inamin niyang naging bahagi ang dating kaibigang si Sharlene sa pagpapaniwala noon na may ibang lalaki siya. 

Ayon kay Alexa, pilit daw ibinabalik ng kampo ni Nash, kasama na ang kanyang mga fans, ang isyu. Pansin pa ng dalaga na inuulit-ulit ito tuwing may magandang nangyayari sa career niya. 

“Hindi siya tumitigil talaga, kasi laging may fan na namba-bash sakin. Patuloy na pinagkakalat lang. Especially, I notice na when I’m doing good, I see it popping out all the time,” pahayag ng aktres. 

Ayon kay Alexa, hindi lang si Sharlene ang kasali kung hindi pati lahat ng mga kaibigan nito sa grupo mula Goin’ Bulilit days pa lang. 

“I was so surprised na I woke up one day using my Twitter and I saw na they were teaming up against me.”

“Yung mga iba ‘don alam ko naman na Goin’ Bulilit pa lang, binubully na ako,” dagdag ng aktres. 

“Pero I was really hurt, pinaka-hurt ako kay Sharlene, ‘cause I thought we were friends. We were okay. Good kami,” pag-amin ni Alexa.

‘Inutusan daw ni Nash si Sharlene’ 

Ibinunyag din ng dalaga na pinagtulungan sila pareho ni Jairus Aquino, na siya namang dating ka-love team ni Sharlene. 

“And then one day, nagulat ako na ‘ano ‘to? Inaaway nila kami ni Jairus. Pinagtutulungan nila kami.’” 

“Saan ‘to nagsimula? And then, I found out sa anak ni Direk Bobot Mortiz na inutusan daw ni Nash si Sharlene na gawin ‘yon,” kwento ng aktres.  

Dagdag pa ni Alexa na hindi niya nilalabas ang lahat ng ito ngayon para sa promotion ng kanyang mga proyekto, kung hindi dahil hindi siya tinitigilan ng mga taong naninira sa kanya.

“Because I’m so tired, it’s so tiring, it’s been so long. And the fact na they’re still grilling me about it. I’m done. I’m gonna say everything once and for all para tapos na. Para tumigil na rin silang lahat. Kung hindi sila titigil, hindi ko sila papansinin, bahala sila.”

Nagkasama sina Alexa, Sharlene, Nash, at si Mika dela Cruz, na siyang nobya ni Nash ngayon sa Goin’ Bulilit mula 2008 hanggang 2013. 

Muli silang nagsama sa teen sit-com na Luv U ng ABS-CBN mula 2012 hanggang 2013, kung saan naman nagsimulang nakasama nila si Jairus. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here