Angelica Panganiban ayaw nang makatrabahong muli si Carlo Aquino

0
85
Angelica Panganiban ayaw nang makatrabahong muli si Carlo Aquino
Naging malapit uli sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino sa muling pagtatambal nila sa Exes Baggage noong 2018.

Prangkahang sinagot ni Angelica Panganiban ang isang CarGel fan account sa Twitter na wala siyang balak na makatambal muli ang ex-boyfriend na si Carlo Aquino. 

Ito ay matapos i-share ng isang fan sa isang Instagram post sa Twitter na kung saan makikita sina Angelica at Carlo na magkahiwalay na kasama ang kanilang common friends. 

Ang sabi ng caption ay, “Kahit minsan lang… mabuo ang pamileh.”

Sinagot naman nito ni Angelica at sinabing hindi sya “bobo” para makipagkitang muli kay Carlo.

“Nope. Sorry. Spare me. Si khang at si josh lang ang tinuturing kong pamilya. Gusto kong maging mabuting tao. Pero ayokong maging bobo :)” 

Anim na buwan na nga ang lumipas simula nang magkaalitan ang dating magnobyo at love team, ngunit mukhang wala talagang balak pang makipagkita ni Panganiban kay Aquino.

Ano nga bang nangyari sa CarGel? 

Matapos ang naging tambalan ng dalawa sa Exes Baggage noong September 2018, naging matunog ang naging pagkakamabutihan ulit nila. 

Naging malapit ang CarGel kahit noong matapos gawin at maipalabas ang kanilang pelikula. 

View this post on Instagram

#CarGel 💙

A post shared by CARGELicious (@cargel_nation2) on

Nakapagbakasyon pa sila kasama ang kanilang mga kaibigan noong November 2018. 

Tinutukso-tukso pa ang mga ito ng #boyprenboyprenan, dahilan para lalong umasa ang mga CarGel fans sa totoong buhay. Maliban doon ay magkasama pa silang nagdiwang ng Pasko sa nasabing taon. 

Ngunit, noong January 2019, kumalat ang mga larawan ni Carlo kasama ang isang non-showbiz girl sa kanyang bakasyon sa La Union. 

Mula noon ay naiulat na umiiwas na si Angelica kay Carlo na magkatrabaho pa noon sa daytime series na Playhouse. 

March 2019, kinumpirma na nga ng aktres na wala na silang komunikasyon ng aktor at tuluyan nang nasira ang kanilang pagkakaibigan. 

Naging magnobyo noon ang dalawa bago ulit sila nagkatambal sa pelikula nila noong 2018. Anim na taon ang kanilang naging relasyon noon at natapos nang dahil sa isang sangkot na third party.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here