Angelica Panganiban, naka-move on na nga ba kay Carlo Aquino?

0
99
Angelica Panganiban, naka-move on na nga ba kay Carlo Aquino?
"Carlo Aquino left the group," a netizen said. "Matagal na," reply naman ni Angelica Panganiban.

Nagdiwang ng birthday week sa Italya ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban. Ilan sa mga post niya sa kanyang Instagram account ay nauugnay sa kanyang dating nakarelasyong si Carlo Aquino. 

Isa sa mga post nya sa kanyang Italy trip ay may caption na, “Natitirang matitinong Aquino na mahal na mahal ko. Mi familia.” 

Bukod pa roon, sinagot din ng aktres ang isang netizen na nag-comment ng “Carlo Aquino left the group” sa kanyang post. 

“Matagal na nyang ginawa,” ang sagot naman ng 33-year-old actress. 

Angelica-move-on-na-kay-carlo-aquino-1
Photo was screen captured from Angelica Panganiban’s Instagram account

May isang comment pa na hango sa 2012 film ng dalaga na “One More Try” at sinabing, “Ang pagmamahal ni Angge, hindi basta-basta nauubos. Pero ang matitinong Aquino, konting-konti na lang.”

“Ang witty mo,” reply naman ni Angge. 

CarGel 

Nang magsama muli si Angelica at Carlo noong 2018 sa kanilang “Exes Baggage” movie, marami ang umasa, kasama na mismo si Angge, na magkakabalikan na sila nang tuluyan. 

Unang naging mag-nobyo ang dalawa noong 1999 nang magsama sila tv-hit series na “G-mik” sa ABS-CBN. Ayon sa kanila, naghiwalay sila sa kadahilanang sobrang bata pa nila noon. 

View this post on Instagram

#cargel 💖

A post shared by CARGELicious (@cargel_nation) on

Noong 2018, natuldukan naman ang kanilang “second chance” pagkatapos mag-viral ang mga photos ni Carlo kasama sa ang isang non-showbiz girl.  

Oktubre noon nang aminin ni Carlo na gilfriend nga niya ang kasama na si Trina Candaza. 

Nang matanong naman kamakailan ang aktor kung pinaasa nga ba niya si Angge, ang sagot niya ay, “Siguro po, siguro.”

“Di ko lang po siguro talaga kaya na… oo mahal ko siya, pero mas gusto ko ng mas friends kami. Natatakot lang talaga kasi ako na masaktan siya ulit,”  paliwanag ng aktor. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here