Angelica Panganiban, susunugin nga ba ang bahay ni Bea Alonzo kapag binalikan si Gerald Anderson?

0
63
Angelica Panganiban, susunugin nga ba ang bahay ni Bea Alonzo kapag binalikan si Gerald Anderson
That's what friends are for: Sunugan ng bahay pag binalikan ng ex for Bea Alonzo and Angelica Panganiban!

Sa naging panayam kina Bea Alonzo at Angelica Panganiban sa Gandang Gabi Vice, sinabi ni Bea na wala na itong balak makipagbalikan sa kanyang ex na si Gerald Anderson. 

“Hindi na,” ang mabilis na sagot ng aktres kay Vice Ganda sa programa nito noong Linggo, Nov. 24.

Ayon naman kay Angelica, pinakiusapan siya ni Bea na ipangakong susunugin nito ang bahay niya kapag nakipagbalikan ito kay Gerald.

Nabuksan ang usaping “ex” nang mabanggit ni Vice na si Bea raw ang lagi nitong naaalala kapag sinasabi ngayon ang “ghost” tuwing Halloween. 

Matatandaang naging malaking usap-usapan ang hiwalayan ng dalawa dahil sa di-umanong isyu ng pangangaliwa at ginawang ghosting ni Gerald kay Bea

“Honestly, to my understanding, we did not break up. He just started not talking to me,” pag-amin ni Bea noon. 

“Tapos na tayo sa multo. Wala na akong kinakatakutang multo ngayon,” ani Alonzo ngayon. 

Inamin din ng ‘Unbreakable’ lead star na mas naging magaan ang pakiramdam niya noon matapos nitong aminin na hiwalay na sila ni Gerald. Ayon kay Alonzo, nakakatuwa raw na maraming mga taong nagpa-abot ng kanilang love and support. 

Dagdag pa nito na wala silang dapat itago ni Angelica ngayon dahil hindi naman sila ang dapat na mahiya sa mga pangyayari kundi ang kanilang mga ex. “Na-realize ko na dapat sila iyong mahiya, hindi kami,” aniya

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here