Anne Curtis, handa nang magkaanak ngayong 2019

0
76
Anne Curtis, handa nang magkaanak ngayong 2019
Matupad na kaya ang pangarap na maging mommy ni Anne Curtis this 2019?

Handa na ang It’s Showtime host na si Anne Curtis na magkaroon ng anak ngayong taon. 

Sa naging interview ni Anne sa Magandang Buhay kanina, ibinahagi niyang may tamang panahon para sa sagot sa hiling niyang maging isang ina. 

“Feeling ‘ko in God’s time, it will happen. Ayaw ‘kong magbigay ng pressure sa sarili ko or kay Erwan kung kailan mangyayari ‘yon,” paliwanag ng aktres. 

“Who knows baka next year na ‘yan, ‘di ba? It could be this year, next year, we don’t know,” ani Anne. 

“But let’s just say I think I’m at that age naman na talaga na anytime that it happens ay ready na akong maging momshie,” dagdag pa niya. 

Mga ilang buwan matapos ang kasal nina Erwan Heussaff at Anne noong Disyembre taong 2017 ay malimit na tinatanong si Anne kung buntis na ba ito o kung may balak na siyang magbuntis. Minsan ay hindi sinasagot ni Anne ang tanong, iniiwasan, o kaya nama’y sinasabing may tamang panahon para sa bagay na iyon. 

“If it happens, then it happens but I don’t want to tell my body na ‘oh 2019 na you have to have a child na’ because sometimes stress on your body won’t make things happen ‘di ba? So it’s better to let go and let God take care of things na,” ang isa sa mga naging sagot ni Anne noon tungkol sa kanyang pagbubuntis. 

Ngunit ngayon ay kaya na niyang ipagmalaki na handa na siyang maging isang ina. 

Naging usap-usapan din noon na buntis na ang aktres matapos ang naging honeymoon nilang mag-asawa sa Africa, pero bigo pa din ang netizens sa kanilang naging mga espekulasyon. 

Naging emosyonal naman ito nang sinabihan siya ni Vice Ganda tungkol sa kaniyang pagiging mabuting ina sa hinaharap. 

Baby Heussaff 

Ibinahagi rin ni Anne ang damdamin niya tungkol sa pagbubuntis ng kanyang kaibigan at sister-in-law na si Solenn Heussaff sa naging guesting niya ngayong umaga sa Magandang Buhay. 

“Of course, I’m excited to be an aunt. Magiging tita ako so I’m very excited for Nico and Solenn. And si Erwan also sobrang excited din kasi siyempe may added family, hindi ba, and may baby. So nakakatuwa bagong blessing,” pagbahagi ni Anne. 

“Ang hirap mag-keep ng secret. … Shocked and then I was just so happy for them, extremely happy for them. Sabay kaming sinabihan ni Erwan. So sobra kaming happy para sa kanila because we know it was one of the things they were looking forward to, hinihintay nila. So happy kami para sa kanila,” kwento ng aktres. 

Sa kabilang banda, bibida muna sa ngayon si Anne sa pelikulang Just A Stranger kasama si Marco Gumabao sa Agosto 21. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here