Bakit hindi effective ang anti-acne skincare products na gamit mo?

0
58
Bakit hindi effective ang anti-acne skincare products na gamit mo
Sa naging panayam ng Pinoy MD kay Dr. Jean Marquez, sinabi nito ang mga posibleng dahilan kung bakit hindi umeepekto ang ‘yong anti-acne skincare.

Sawa ka na bang magpapalit-palit ng anti-acne skincare products sa iyong acne-prone face

Sa naging panayam ng Pinoy MD kay Dr. Jean Marquez, sinabi ng dermatologist ang mga posibleng dahilan kung bakit hindi umeepekto ang ‘yong mga gamit sa mukha. 

Ayon sa kanya, maaaring hindi mo hiyang ang gamit mong cleanser at toner — maaaring comedogenic o hindi nito taglay ang mga properties na kailangan ng skin type mo.

“Ang dami kasing toner. Ang toner kasi, ‘yung iba panglinis lang talaga ng face, to remove the dirt. May mga toners naman na may halong antibiotics, may toners na may halong whiteners, or mga exfoliating components para matuklap o pumino ang balat.”

Banggit pa niya ay baka panlinis lang ang ‘yong gamit na toner o kaya naman ay hindi mo hiyang ang cleanser na kasalukuyan mong ginagamit. 

Dagdag pa ni Dr. Marquez, may mga toner at cleanser na hindi masyadong nakapagpapalinis ng mukha, lalo lang nang-iiwan ng oil sa mukha, o kaya naman ay masyadong nakatutuyo ng ‘yong balat. 

Hindi sapat ang skincare 

anti-acne-skincare-1

Banggit din ni Dok na hindi madaling maalis ang mga acne lalo na’t kung sa ‘yong skincare ka lamang nakadepende. 

Maraming dahilan kung bakit ito umuusbong, kaya kailangang bigyan ng tamang pansin ang mga ito. 

Ilan sa mga dahilan ay hormonal imbalance o changes, ang iyong diet, o baka ang shampoo na gamit mo araw-araw. 

“Tandaan po natin na ang acne kasi talaga ay hindi lang naman yan nadadala sa mga pamahid. This can be a problem with hormones, and also this can be a problem sa maling pagkain ng diet.”

Dagdag pa niya ay baka dahil sa madalas na pagkain ng dairy products, matatamis, o kaya ang paggamit ng masyadong oily na hair products at comedogenic na makeup products.Payo niya ay kumonsulta muna sa mga eksperto bago magpahid at gumamit ng mga iba’t-ibang produktong pang-alis ng mga tigyawat (pimples) o acne.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here