Atong Ang explains connection to Nicole, Claudine, and Gretchen Barretto

0
262
Atong Ang explains connection to Nicole, Claudine, and Gretchen Barretto
Atong Ang, na dawit sa away ng Barretto family, nagsalita na tungkol sa kanyang koneksyon kina Nicole Barretto, Claudine Barretto, at Gretchen Barretto.

Ang businessman na si Atong Ang, na dawit sa away ng Barretto family, ay nagsalita na tungkol sa kanyang koneksyon kina Nicole Barretto, Claudine Barretto, at Gretchen Barretto. 

Si Nicole ay anak ni JJ Barretto, na siyang kapatid ng kontrobersyal na Barretto sisters. 

Ayon kay Nicole, dating nobyo niya ang dawit na businessman na si Atong Ang.

Base sa mga pangyayari, galit si Nicole dahil inagaw raw ng kanyang Tita Gretchen si Atong na kanyang nobyo noon. 

Subalit, itinanggi ni Gretchen ang akusasyon ng kanyang pamangkin at sinabing si Nicole pa raw ang unang umagaw kay Atong mula kay Claudine. 

Si Nicole ang napapabalitang nag-umpisa ng pisikal na away sa naging burol ng yumaong ama ng pamilya na si Miguel Barretto. 

Kaya sa naging panayam ni Ang sa ABS-CBN News ni Henry Omaga-Diaz, nilinaw ni Ang ang kanyang naging koneksyon sa mga Barretto. 

Ang buod ng kanyang eksplanasyon, si Nicole at ang kanyang nanay ay dating nagtrabaho sa kanya, si Gretchen ay kanyang business partner, at si Claudine ay minsan niyang tinulungan sa kanyang mga personal na problema. 

Heto ang buong pahayag ni Ang: 

“Tungkol kay Nicole, mga four to 11 years ago ay nagkakasama kami nang mommy niya. Kung ano man ang relationship namin, walang kinalaman si Gretchen.

“Si Gretchen kasosyo ko sa casino at saka sabong. Si Tonyboy Cojuangco, kasama ko rin sa casino. May junket ako sa mga casino, si Tony kasosyo ko sa Okada.

“Kung nagkahiwalay kami nila Nicole walang kinalaman si Gretchen. Ang relasyon namin ni Nicole, parang taga asikaso ng mga flights ko and schedule ko noon.

“Iyong relasyon kay Claudine, ako ang nag-ayos nang nagkaproblema sila ng anak ni Mayor Martin Castro—’yun lang ang naging relasyon namin.

“Si Nicole, pinag-aral ko ‘yan, ang nagtrabaho sa akin ‘yung nanay niya. Si Gretchen malapit siya sa asawa ko.”

Barretto family feud 

Pagkatapos ng pisikal na away ng pamilya, na nasaksikan pa mismo ni Presidente Duterte, naglabas ng kanya-kanyang sama ng loob ang bawat miyembro ng pamilya sa kanilang social media accounts, na siyang naging dahilan ng pagkakabanggit ng pangalan ni Atong. 

Si Marjorie Barretto ay nangakong sasabihin ang lahat-lahat ng katotohanan pagkatapos mahimlay ang kanyang ama. Inaabangan ngayon ng mga tao ang kanyang pagsasalita dahil tapos na ang burol ng kanilang ama. 

Si Gretchen, samakatuwid, ay walang tigil sa pagsagot at re-post ng mga patutsada sa kanyang mga pamangkin at sa kanyang kapatid na si Marjorie. 

Si Claudine, na sangkot rin sa naging away sa burol, ay kaka-post lang sa kanyang Instagram account ng video na magkakasama sila nina Atong at ang kanyang nanay na si Inday Barretto. 

Bukod dito, may post din itong video kung saan magkayakap ang kanyang mommy Inday at si Gretchen. 

Matatandaan na sina Gretchen at ang nanay ng mga Barretto ang may pinakamalaking hidwaan noon. Ngunit, mukhang nagkaayos na ang mag-ina mula ng burol ng kanilang haligi ng tahanan. 

Bagamat, ano kayang mangyayari sa pamilyang Barretto matapos ibigay ni Marjorie ang kanyang buong pananaw sa kanilang family issues?  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here