Ethel Booba: Kapag may pera ka, guma-gwapo ka nang bonggang bongga!

0
84
Ethel Booba Kapag may pera ka, guma-gwapo ka nang bonggang bongga!
Ethel Booba in TWBA

Nag-guest ang comedienne na si Ethel Booba sa Tonight With Boy Abunda at sinabing naniniwala siyang  di hamak na mas gwapo ang businessman na si Atong Ang, na na-link sa Barretto family, kaysa sa aktor na si Gerald Anderson. 

Ipinaliwanag ni Ethel kay Tito Boy na guma-gwapo kasi ang mga lalaki kapag mayroon silang maraming pera. 

“Siyempre, mapera! Kapag may pera, guma-gwapo ka nang bonggang bongga,” ani Ethel. 

Hindi lingad sa publiko na naging matunog muli ang pangalan ni Ang pagkatapos mangyari ang malaking kaguluhan sa Barretto family noong burol ng kanilang amang si Miguel Barretto. 

Atong Ang’s interview with Noli De Castro in ABS-CBN TV Patrol regarding his connection to several Barretto women

Samantala, inaakusahan naman si Anderson na niloko nito si Bea Alonzo at dahil iyon sa naging on-screen partner niyang si Julia Barretto

View this post on Instagram

sabishii hitori wa iya da 🇯🇵 #betweenmaybes

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr) on

Sa kabilang banda, tinapos ang naging panayam kay Ethel sa aktwal na pag-abot ng kanyang talent fee on national TV, na may kasama pang transportation fee mula sa isang TWBA staff. 

Matatandaan kasing naglabas ng saloobin si Ethel kamakailan tungkol sa hindi pagbigay ng kanyang talent fee sa tamang oras ng mga event producers ng mga shows, kung saan pumalo sa ratings ang kanyang mga naging guesting. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here