‘Pag lumaban siya, continue pa rin ako,’ banta ni Annabelle Rama kay Gretchen Barretto

0
144
‘Pag-lumaban-siya,-continue-pa-rin-ako,’-banta-ni-Anabelle-Rama-kay-Gretchen-Barretto
Anabelle Rama, may babala sa pang-aaway ni Gretchen Barretto kay Ruffa Gutierrez.

Binalaan ni Annabelle Rama si Gretchen Barretto matapos nitong pansinin ang walang kinalamang komento sa Barretto feud ng kanyang anak na si Ruffa Gutierrez. 

Hindi nagustuhan ng ina ng mga Gutierrez ang naging pasaring ni La Greta kay Ruffa.

Nitong mga nakaraang araw, naging instrumento ni Gretchen ang kanyang Instagram account sa pagsagot at re-post ng komento at opinyon ng mga tao sa patuloy na away ng kanilang pamilya. 

Kamakailan, nag-comment si Ruffa sa selfie post ni Julia Barretto, pamangkin ni Gretchen at anak ni Marjorie Barretto

banta-ni-annabelle-rama-kay-gretchen-barretto
Ruffa Gutierrez’ “Fresh” comment on Julia Barretto’s post | Image captured from Julia Barretto’s Instagram account.

Hindi ito ikinatuwa ni Greta kahit na wala namang pasaring ang komento ni Ruffa sa Barretto sisters feud.

Matapos ang deleted post ni Annabelle tungkol sa naging reaksyon ni Greta, dagdag naman ng palabang ina na handa siyang giyerahin ang kung sino mang mang-aaway sa mga anak niya. 

“It’s not worth it. Pero ‘pag lumalaban siya, continue pa rin ako. Hindi naman ako magpapa-under maski kanino, ano?” pasaring ni Annabelle kay Gretchen

Samakatuwid, ayaw na nitong magsalita pa sa ngayon dahil tumahimik na si Greta. 

“Kung hindi siya tumahimik, mas mahaba pa ang sasabihin ko,” dagdag nito.

Ayon kay Annabelle, pati na rin sa nakararami, wala siyang nakikitang mali sa naging komento ng kanyang anak sa litrato ni Julia. 

“Of course, pinagtanggol ko lang anak ko kasi wala naman siyang masamang comment against anybody. Sabi lang niya ‘fresh,’ di ba?”

Gayunpaman, ayaw na rin magkomento nito sa gulong namamagitan sa kanyang anak na si Ruffa at kay Gretchen

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here