Ayon kay Sen. Imee Marcos, karamihan ng stakeholders ay sinuportahan ang pagpapaliban ng eleksyon sa barangay at ng Sangguniang Kabataan (SK) sa darating na Mayo 2020 at ilipat ang botohan sa Mayo 2023. 

Sa naganap na isang public hearing sa Senado, nabanggit ni Marcos na hindi na kailangang ipagpaliban ang eleksyon para makaiwas sa maaring epekto nito tulad ng nangyari noong Mayo 2010 na umugong ang reklamo ng mga botante.

“Done na po ang postponement, ano na lang ang, date?” banggit ni Marcos, na siyang namuno sa naganap na hearing.

“[Sa tingin ko ay nadinig na ang mga nais ibagahi ng lahat tungkol sa pagpapabilan ng eleksyon. Sobrang dami ng bilang ng mga sumang-ayon na gaganapin na lamang ito sa Mayo 2023],” pagpapasya ng senadora. 

“Nagsabi na ang [Commission on Elections (Comelec)] na ‘yung October 2022 ay masyadong dikit sa 2022 presidential elections at baka ‘di rin maganda ang performance kasi ‘yan din ang nangyari nung 2010. Maraming SK ang ‘di nakaboto at medyo magulo sa barangay,” kwento ni Marcos. 

Sa naging State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo, nanawagan siya sa mga mambabatas na ipasa ang panukalang-batas para ipagliban ang eleksyon sa barangay at SK sa Mayo 2020. 

Banggit ni Duterte, gagawin ito para mabigyan pa ng mas mahabang panahon ang mga nakaluklok na opisyales na kumpletuhin ang kanilang mga nasimulang proyekto mula sa naging eleksyon noong 2018. 

Drilon: Ilipat sa Mayo 2021

Ayon kay Marcos, isinaalang-alang din ang naging suhestiyon ni Drilon na ilipat na lamang ang eleksyon sa Mayo 2021. 

Sinabi ni Drilon na sapat lamang ang tatlong taong maibibigay sa mga nailuklok na barangay at SK officials para gawin ang kanilang mga nasimulang proyekto, dahil ito rin ang nakasaad sa Local Government Code. 

“[Kung ipagpapaliban natin ito at kokompletuhin ang tatlong taon ng mga opisyales, ibig sabihin ay magaganap dapat ang eleksyon sa May 2021, isang taon bago maganap ang pambansang halalan sa May 2022],” paliwanag ng pinuno ng Minority Floor. 

“[Tapusin natin ang tatlong taon nila at iyon ay sa Mayo 2021],” dagdag ni Drilon. 

Nagtanong si Marcos kung nanaisin bang ganapin na lamang ang eleksyon sa Oktubre 2022 o sa Mayo 2023. 

Sumagot ang Comelec Commissioner na si Antoni Kho at sinabing mahihirapan sila kung gaganapin ang eleksyon sa barangay limang buwan pagkatapos ng pampangulong halalan sa darating na Mayo 2022. 

Sumang-ayon din ang dating Comelec commissioner na si Gregorio Larrazabal at sinabing nais ng poll body na ganapin ang eleksyon sa barangay sa Mayo 2023. 

Dahilan nila ay ang pagsaalang-alang din sa magandang panahon ng mga buwan na iyon. Matutuloy at matutuloy ang eleksyon kahit pa pasukan ng mga estudyante sa mga panahong iyon, giit ni Larrazabal. 

Gayun din na baka matuloy na ang pagtupad ng polisiyang gawing Agosto ang bakasyon ng mga estudyante sa 2023, ayon kay Sen. Nancy Binay. 

Ngunit pakiusap ng Comelec ay kailangan nang magdesisyon ng mga mambabatas kung itutuloy nga ba ang eleksyon sa barangay ngayong darating na taon o hindi. 

Katwiran nila’y mahirap na magkulangan sila sa oras ng paghahanda. Dagdag pa nila, hindi pwedeng gumastos mula sa public funds at pagkatapos ay sasabihin bigla na hindi na pala tuloy ito. 

“[Nag-aalala kami sa magiging gastos para sa preparasyon. Baka masayang lang… Pupunta kami sa Senado at aasahang na makapagbigay na sila ng huling desisyon],” sabi ng Comelec Chairman na si Sheriff Abas. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here