Batang lalaki sa Palawan, hinablot at kinain ng buwaya!

0
191
Batang lalaki sa Palawan, hinablot at kinain ng buwaya!
10-taong gulang na batang lalaki ang bagong biktima ng mga buwaya sa Balabac, Palawan.

Patay ang 10-taong gulang na batang lalaki sa Palawan matapos hablutin ito ng buwaya mula sa kanilang bangka, ayon sa mga awtoridad noong Miyerkules, Agosto 14. 

Kasamang namamangka ng bata ang kanyang dalawang kapatid noong araw ng insidente malapit sa bayan ng Balabac — isang lugar na kilalang may malalalaking nilalang. 

Magdamag na hinanap ang bata ng kanyang ama, ngunit bigo ito. Bagaman, noong Lunes, Agosto 12, natagpuan ng isang mangingisda ang natirang kalahating katawan ng bata mula sa isang bakawan sa Sitio Tagpanasan.

Itinira ng buwaya ang ulo at kanang binti ng biktima, na agarang inilibing ng ama ng bata.

Atake ng mga buwaya 

Ang madalas na pag-atake ng mga buwaya sa parteng timog ng bansa ay bunga ng pagliit ng kanilang inookopahang tirahan. 

Ang patuloy na pag-unlad ng ekonomiya at populasyon ng Pilipinas ang dahilan ng pagliit ng mga tirahan ng mga nilalang na ito. 

Ang parehong espasyong kinabibilangan ng mga tao at ng mga buwaya ay dahilan para dumalas ang pag-atake ng mga ito. 

“Mula 2015, wala pa tayong report na nagsasaad ng walang pag-atake mula sa mga buwaya sa lugar ng Balabac” sagot ni Jovic Pabello, spokesman ng isang konseho ng pamahalaan na nangangalaga sa kapaligiran ng Palawan, kabilang na ang bayan ng Balabac. 

“Isa iyang hindi pagkakaunawaan sa paggamit ng tubig,” dagdag pa nito. 

Ang estuarine crocodile ay isang tubig-alat na buwaya — isa sa mga pinakamalaking uri ng reptilya sa buong mundo na may haba na 6 na metro at tumitimbang ng isang tonelada. 

Kwento pa ni Pabello, noong Pebrero ay may isang 12-anyos din na batang lalaki na hinablot ng buwaya sa parehong lugar. Ngunit ang bata ay nakatakas dahil pinagpapalo ng kanyang mga kapatid ang ulo ng buwaya hanggang mapalay nito ang biktima. 

Bukod dito, may isang mangingisda rin ang nakain ang kalahating katawan at napatay ng isang buwaya, 3 buwan matapos din kaladkarin papalayo ang kanyang pamangkin na babae noong 2017, na sa kasamaang palad ay hindi na muling nakita. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here