“Mula alas-6 hanggang alas-9, bawal ang mga private vehicles sa EDSA”

0
89
“Mula alas-6 hanggang alas-9, bawal ang mga private vehicles sa EDSA”
Nais ipagbawal ng isang mambabatas ang pagdaan ng mga pampribadong sasakyan tuwing rush hour sa EDSA

Nais ng isang mambabatas na ipagbawal ang pagdaan ng mga pampribadong sasakyan tuwing rush hour sa EDSA, dahil na rin sa magiging traffic ngayong darating na Pasko.

Isinusulong ni Caloocan Rep. Edgar Erice na gawin na munang “mass transport highway” ang EDSA hanggang hindi pa natatapos ang rehabilitasyon ng MRT-3, Metro Manila subway, at ang daang nagdurugtong sa mga expressway sa hilaga at timog Luzon. 

“Kailangan maihatid muna natin nang mas mabilis ang ating mga manggagawa at makauwi sila nang mas maaga,” banggit niya sa DZMM. 

“Ang aking proposal, mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga, at mula alas-6 ng gabi hanggang alas-9, e ipagbawal na ang mga private vehicles sa EDSA… Mga mass transport, iyan na lang ang pwede nating padaanin diyan,” dagdag nito. 

Private vehicles sa Edsa 

Mahigit 300,000 na pampribadong sasakyan ang araw-araw na dumadaan sa EDSA — 4 na beses na dami sa 80,000 lamang na bus, banggit ni Erice na vice chairperson din ng House Committee sa Metro Manila Development. 

“Kahit doblehin mo pa, triplehin mo pa iyong mga buses at public utility vehicles d’yan sa EDSA, maluwang pa rin ang EDSA at mas maraming mamamayan natin ang makikinabang.” 

Tinanong din ang Caloocan Rep. kung kasama ba sa pagbabawal ang mga motorista tulad ng mga nag-aangkas. 

“Iyan po ang pwede nating pag-aralan,” sagot ng mambabatas. 

Ayon kay Erice, maaaring pag-usapan ang kanyang iminumungkahing batas sa magiging budget hearing ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Lunes.  

Malugod namang tinanggap ng General Manager ng MMDA na si Tim Orbos ang mungkahi ni Erice at sinabing dadalhin ang usapin sa susunod na pagpupulong ng kanilang konseho. 

“Pwede gawing hybrid gawin natin puro bus lang ‘yan pero siguro ang private pwede dumaan pero dapat 3 to 4 laman para makadaan sila kasi etong EDSA dito natin pinapriority ‘yung madaming laman,” pahayag ni Orbos. 

Sinabi din niya na kapag naipatupad ang pagbabawal na ito, maaaring suspindihin din ang pagdaan ng ilang mga bus sa EDSA, depende sa numero ng kanilang plaka. 

Ayon kay Orbos, gawin na lamang ang mungkahi ni Erice na pwede naman ang mga private cars kung sakay ng mga ito ay mula tatlo hanggang 4 ngunit kailangang nakabukas ang mga bintana na tinted. 

Katwiran ni Erice

Samantala, ang katwiran naman ni Erice ay gagawin ito para tuldukan ang paghihirap ng mga commuter

Mungkahi niya ay maaring gumamit na lamang din ang mga may sariling sasakyan ng mga pampublikong transportasyon. Suhestiyon niya ay gumamit na lamang ang mga ito ng kanilang sariling sasakyan tuwing katapos ng window hours sa EDSA. 

Papayagan naman ni Erice ang mga nagka-carpool tuwing window hours, pero hindi ang mga Grab drivers. 

Ang average number ng mga sasakyan sa EDSA ay tumaas hanggang 405,882 mula Enero hanggang Agosto ngayong taon mula sa 383,828 na bilang noong 2018, ayon sa MMDA Spokesperson na si Celine Pialogo. 

Sa 13 milyon, isa-isa ay may-ari ng isang rehistradong sasakyan, dahilan para mawalan ang siyudad ng mahigit $67 milyong productivity loss araw-araw, ayon sa isang pag-aaral na Japanese government-funded. 

Kamaikailan ay may mga report din ng mga pasyenteng namamatay sa loob ng ambulansya dahil lamang na-traffic ang sasakyan sa EDSA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here