Bea Alonzo at Gerald Anderson, hiwalay na nga ba?

0
338
bea-alonzo-at-gerald-anderson-hiwalay-na-nga-ba
Gerald Anderson and Bea Alonzo together at the ABS-CBN Ball 2018.

Kumakalat ngayon sa social media ang usap-usapang hiwalay na ang Kapamilya stars na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson. 

Ito ay dahil sa mga post ni Bea sa kanyang Instagram account noong July 21, araw ng Linggo. 

Isa sa mga pinost ng aktres ay isang black photo na may caption na pinagmulan ng haka-haka ng kanilang mga fans.

“You can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice’ ENOUGH,” sabi ni Bea sa kanyang post.

Isa pang pahayag ang pinost ng 31-year old na aktres sa Instagram Stories.

“Something I learned about people… if they do it once, they’ll do it again,” dagdag niya.

Marami sa mga netizens ang nagpapalagay na para ito sa kanyang nobyo na si Gerald.

Kasabay nito ay ang pagkalat ng larawan ni Gerald at Julia Baretto na magkasama sa kaarawan ni Rayver Cruz noong July 20, Sabado. Dahil dito, naging top trending sila sa Twitter.

Matatandaan na kamakailan lang ay naghiwalay sina Julia at Joshua Garcia. Ngunit iginigiit ng dalawa na sila ay nananatiling “best of friends”.

Noong Oktubre 2018 naman, kumalat din na naghiwalay na  sina Bea at Gerald ngunit binigyan muli ng aktres ng second chance ang nobyo.

Samantala, nagpares sina Gerald at Julia sa isang romantic drama film na “Between Maybes” na inilabas noong Mayo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here