Ang direktor na si Jason Paul “JP” Laxamana ay nagbigay na ng komento ukol sa isyung kinasasangkutan ng mga bida ng kanyang pelikulang Between Maybes na sina Julia Barretto at Gerald Anderson. 

Tumanggap ng pambabatikos ang dalawa mula social media at ibang mga kilalang personalidad dahil sa di-umanong panloloko ni Gerald kay Bea Alonzo

Ito ay nagsimula nang ibahagi ng isang netizen ang larawan na magkasama sina Julia at Gerald sa birthday party ni Rayver Cruz. Ni-like naman ni Bea ang naturang larawan at pagkatapos nito ay nagbahagi ng mga cryptic posts sa kanyang Instagram account. 

Nagpatuloy ang usapin lalo na at lumabas ang mga larawang nagpapatunay sa relasyon nina Gerald at Julia.

Samantala, nakapanayam ng Philstar si Laxamana kung saan sinabi niya na hindi niya pinanghihimasukan ang personal na buhay ng kanyang mga artista, subalit sobra naman daw ang pambabatikos sa dalawa. 

“It’s just too much. If someone indeed committed a mistake, people are entitled to commit mistakes,” pahayag ng direktor. 

Ayon sa kanya, hindi pa niya nakakausap sina Gerald at Julia ngunit nais niya na maayos nila ang kontrobersiya. 

“We cannot contain social media and we cannot control the reactions,” aniya. Gayunpaman, naniniwala siya na “huhupa din yan lahat.”

Samantala, ayon kay Laxamana, marami na raw siyang pinagkakaabalahan para dumagdag pa sa isyu.

Ang susunod na proyekto niya ay ang pelikulang “Just a Stranger” na pagbibidahan nina Anne Curtis at Marco Gumabao. Ito ay ipapalabas sa ika-21 ng Agosto sa ilalim ng produksyon ng Viva Films.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here