Murang Christmas decorations ba ang hanap? Puntahan ang mga bilihang ito…

0
84
Murang-Christmas-decorations-ba-ang-hanap
Ang payo ng mga ibang sanay na sa pagnenegosyo, mas maganda na maagang mamili ng mga palamuti sa bahay para sa darating na Pasko.

Hindi lang ang mga tugtugin ni Jose Mari Chan ang inihahanda ng mga Pilipino sa tuwing papalapit na ang Pasko sa Pinas, kundi pati mga palamuti na kanilang ilalagay kahit sa mumunting bahay lamang. 

Kung hindi papalamutihan ang bahay ay magnenegosyo ‘yang mga yan para mas marami ang maihahandang pagkain sa Pasko at hanggang sa Bagong Taon na rin. Ang payo ng mga ibang sanay na sa pagnenegosyo, mas maganda na maagang mamili ng mga palamuti. Bukod sa hindi pa masyadong masikip sa mga tindahan, ay medyo mura pa kaysa kapag bibili ka isang buwan na lang bago ang selebrasyon. 

Dapitan, Quezon City

Nagkalat na ang mga murang bilihan ng Christmas decorations. Paghandaan ang Pasko habang ang mga presyo ng kanilang paninda ay mura pa. 

  • Christmas tree – P1,500-P4500
  • parol – P1,000-P2500
  • belen – P1500-P2500

Kung gusto mo ng mas mura pa, nauuso ngayon ang mga palamuti na gawa sa resin. Makakabili ka rito na pwede mong pagkakitaan sa sarili mong bayan. 

  • Santa claus P500-P8500
  • Christmas tree P1500-P1800

Meron din sila ritong mga set of decorations para sa mga gustong makatipid at makarami ng mabibili.

  • Isang set ng Santa claus – P500/4 pieces 
  • Isang set ng snowman – P500/4 pieces 
  • Isang set ng angels – P1,000-P1500

San Juan, Manila 

Sa bayan naman ng San Juan sa lungsod ng Metro Manila, handa na ang mga tindahan ng mga parol. 

  • parol 1000-8500

Kasabay ng pagsindi ng sikat na 50 ft. na Christmas tree sa Eastwood Mall sa Quezon City ay ang pagdagsa ng mga tao sa mga pamilihan para paghandaan ang Pasko. 

Payo lang ay huwag kalimutan na hindi materyal na bagay ang makakapagkumpleto sa atin kundi ang pag-alala at pagdama natin sa tunay na diwa ng Pasko.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here