Breakfast First: Relasyon ng tamang nutrisyon sa performance ng mga bata sa paaralan

0
138
Breakfast-First!--Relasyon-ng-tamang-nutrisyon-sa-performance-ng-mga-bata-sa-paaralan
Nagsimula kahapon ang pagbigay ng nutribun — na gawa sa malunggay, kalabasa, itlog, at harina — at gatas sa mga mag-aaral sa Marikina City.

Nang dahil sa mga pag-aaral na may kaugnayan ang tamang nutrisyon sa magandang performance ng mga bata sa kanilang mga paaralan, bibigyan ng nutribun at gatas ang mahigit 21,000 na mag-aaral sa lungsod ng Marikina. 

Ayon kay Marikina Mayor Marcy Teodoro, tuwing umaga, bago magsimula ang kanilang klase,   tatanggap ng nutribun at isang basong gatas ang bawat estudyante. 

Nagsimula kahapon ng umaga ang pagbigay ng nutribun — na gawa sa malunggay, kalabasa, itlog, at harina — at gatas sa mahigit 1,000 mag-aaral sa Parang Elementary School (PES). 

“Titingnan natin ang kanilang grades at performance after 120 days kung nag-improve sila sa pag-aaral. Ayon kasi sa mga pag-aaral, may relasyon ang tamang nutrisyon sa performance sa pag-aaral ng mga bata,” banggit ni Teodoro. 

Dagdag pa nito ay hindi lang ang kanilang magiging progreso sa loob ng silid-aralan ang imo-monitor, kung hindi pati ang timbang ng mga bata. 

“Pagpasok pa lang ng mga bata, seven in the morning, unang ibibigay ng teachers ‘yong nutribun at gatas sa kanila. Mahalaga kasi na ang almusal nila ay nutritious dahil ang breakfast is the most important meal,” saad ni PES Principal Marciana De Guzman.

Ayon kay De Guzman, nasa 600 mula sa 4,000 na Kinder hanggang Grade 6 na mga mag-aaral ang malnourished. 

Layunin din ng lungsod sa kanilang nutribun program na makapag-bigay ng seminar sa mga magulang tungkol sa nutrisyon at allowance na nararapat sa pang araw-araw na pagkain ng kanilang mga anak. 

Nutribun mula noon 

breakfast-first-nutribun-program-marikina-1
Nutribun | Image Source: Esquire Magazine

Nagmula ang nutribun sa pag-aaral ng mga nutritionists at agrarian experts mula Virginia Polytechnic Institute and State University. Ito ay isang pag-aaral para labanan ang kaso ng malnutrisyon noong 1968 hanggang 1970. 

Samantala, tumaas ang kaso ng mga malnourished na bata noong kasagsagan ng administrasyon ni Marcos. Nang dahil dito, nagpasya ang gobyerno na samantalahin ang US Food for Peace Program. 

Dahil dito, nagsimula ang limang taong nutrition program sa bansa noong 1971, na tinawag na “Operation Timbang”. 

Mula noon, ang US Agency for International Development (USAID) sa taong 1972 ay nagsimulang magbigay ng mga nutribun na tinapay at tone-toneladang powdered milk.

1980s nang matigil ang suplay, dahil sa patuloy na pag-konti ng kaso ng malnutrisyon sa bansa. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here