Blind Balladeer Carl Montecido, inimbitahan ng Ellen DeGeneres show!

0
83
carl-montecido-guesting-ellen-degeneres-show

Naging usap-usapan muli si Carl Montecido online matapos siyang i-feature ng sikat na singer na si Sam Smith sa kanyang social media accounts habang ito ay kumakanta ng “Too Good At Goodbyes.” 

Maraming nag-tag sa account ng Ellen DeGeneres show at umaasang maimbitahan ito ni Ellen. 

Kabi-kabilang show guestings na nga ang natatanggap ng tinaguriang ‘blind balladeer’ matapos mag viral ang kanyang “Too Good at Goodbyes” karaoke sing-along. 

Naging successful naman ang panawagan ng netizens dahil si Carl ay opisyal nang inimbitahan mag-guest sa Ellen DeGeneres talk show sa Amerika!

Excited na ang binata sa kanyang international guesting. Hindi pa ito nagbigay ng ibang detalye dahil inaayos pa.

Una nang pinuri si Carl ng American singer na si Kelly Clarkson at ang idolo niyang si Sam Smith.

Sa ngayon ay may 13 million views na ang video ni Carl Montecido na in-upload ng Facebook user na si Trixie Madison.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here