Pinaasa nga ba ni Carlo Aquino ang ex na si Angelica Panganiban?

0
83
carlo-aquino-umaming-pinaasa-si-angelica-panganiban
Kapamilya actor na si Carlo Aquino, ipinaliwanag sa TWBA ang totoong nangyari sa kanila ni Angelica Panganiban.

Sa pagbisita ni Carlo Aquino sa ‘Tonight With Boy Abunda’ kasama ang kanyang ‘Isa Pa With Feelings’ leading lady na si Maine Mendoza, sinagot nito ang diretsahang tanong ni Boy Abunda tungkol kay Angelica Panganiban. 

“Pinaasa mo ba si Angge?” tanong ng King of Talk. 

Ito naman ang naging sagot ng aktor: “Siguro po, siguro.”

Pagkatapos nito ay tinanong ni Tito Boy kung anong ang nangyari sa kanilang dalawa ng dati niyang nobya. 

“Di ko lang po siguro talaga kaya na… oo mahal ko siya, pero mas gusto ko ng mas friends kami. Natatakot lang talaga kasi ako na masaktan siya ulit,” paliwanag ni Carlo. 

View this post on Instagram

Malugod na pagtanggap

A post shared by Jose_Liwanag (@jose_liwanag) on

Diretso ring sinagot ng Kapamilya actor kung may kinalaman dito ang nobya niya ngayon na si Trina Candaza. 

“Kasi na-meet ko si Betrina bago nag-start ‘yung movie [kasama si Angelica], tapos biglang hindi kami nagkita ng ilang buwan. Tapos, after nung movie nag-reconnect kami,” ani Carlo.

Noong Hunyo, nakapanaynam ng ABS-CBN si Angelica at sinabi nito na “hindi nag-e-exist” si Carlo sa buhay niya ngayon. 

Samantala, nang tanungin ni Tito Boy ang aktor kung naging “fair” ba si Angelica sa pagsabi nito, ito ang naging pahayag niya:

“Opo. Kung nasaktan ko siya nang ganoon, karapatan niya ‘yon. Karapatan niyang pagdaanan, karapatan niyang maramdaman ‘yon. At hindi ko dapat pigilan ‘yon.”

Ngayong Oktubre 16, ipalalabas na sa mga sinehan sa buong bansa ang pelikulang “Isa Pa With Feeling” na pagbibidahan nila ni Maine. 

Read more:

Maine Mendoza says it’s “surreal” answering Fast Talk questions with Boy Abunda

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here