Miss Universe 2018 Catriona Gray ay patungo sa Colombia sa Nobyembre upang maglingkod bilang judge sa Miss Universe Colombia pageant. Ginawa ni Gray ang anunsyo sa Instagram noong Miyerkules. “Napakasaya niyang ibinalita na bibiyahe siya sa Colombia sa susunod na buwan sa kauna-unahang pagkakataon upang maging isang opisyal na judge para sa Miss Universe Colombia 2020,”. Inihayag din ni Gray sa isang pakikipanayam sakanya na siya ay personal na naimbitahan ng pambansang pageant head ng Colombia para sa puwesto.

“I would have been happy to judge” Palagi akong nasasabik talaga tuwing makakarating ako sa isang mentorship na posisyon lalo na para sa mga batang babae na hinahangad ang pangarap ng pageantry dahil syempre, alam ko kung ano ang pakiramdam, “I would have loved the opportunity to judge here and hopefully in the coming years, I’ll have that opportunity, sambit pa niya.

Si Gray ay nagsilbi rin bilang judge sa Miss South Africa at Miss Universe Thailand noong 2019. Bukod sa pagiging isa sa mga judge ng pageant, sinabi ni Gray na siya ay nasa Colombia din upang kumatawan sa Smile Train bilang pandaigdigang embahador ng organisasyon. Ang Smile Train ay isang pang-international na non-profit na samahan at charity na magprovide ng corrective surgery sa mga bata na may cleft lips and palates

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here