Cesar Apolinario, pumanaw dahil sa sakit na kanser

0
150
Cesar Apolinario, pumanaw dahil sa sakit na kanser
Cesar Apolinario, pumanaw na.

Pumanaw na ang batikang mamamahayag at award-winning director na si Cesar Apolinario sa edad na 46-anyos nitong Biyernes, Disyembre 13.

Kinumpirma ang balita ng kanyang kasamahan sa GMA-7 na si Steve Dailisan. 

“Rest in PEACE, mentor and colleague @CesarApolinario. No more pain just LOVE and lasting happiness in the arms of God,” tweet ni Dailisan.

https://twitter.com/stevefdailisan/status/1205325014255292416

Ayon sa source ng PEP Troika, ngayong Agosto lamang na-diagnose si Apolinario sa sakit na lymphoma

Pagkatapos ay naging kritikal lamang ang kanyang kondisyon nitong Miyerkules, Disyembre 11, ayon sa mga malalapit na kaibigan ni Apolinario.  

“Direk Cesar Apolinario has peacefully joined our Creator. According to his close friends, he’s been critical since last Wednesday, December 11,” saad ni Mell Navarro, na isang entertainment journalist, sa kanyang Facebook post. 

Bukod sa pagiging sa magaling na reporter, host, at documentary producer sa GMA, naging award-winning director din si Apolinario. 

Ang mga nagawa niya bilang direktor ay ang Metro Manila Film Festival 2008 entry na Banal, magkasunod na Estasyon at Puntod noong 2009, at Dance of the Steel Bars noong 2013. 

Inaalala si Apolinario ng mga malalapit sa kanya bilang isang masayahin, open-minded, at matalinong tao. 

READ: 
The legacy of Gina Lopez stays in the heart of humanity
GMA violated work safety standards in Eddie Garcia’s death, DOLE says

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here