Chie Filomeno, walang balak makipagbati kay Dawn Chang!

0
142
Chie-Filomeno-walang-balak-makipagbati-kay-Dawn-Chang
"Grabe na ang lamat" - Chie Filomeno

Sa mga sagot ni Chie Filomeno sa naging panayam sa kanya, mukhang walang balak makipagbati ang GirlTrend member sa dating ka-grupong si Dawn Chang. 

Naging usap-usapan ang naging komento ni Dawn noong minsang mag-hurado ito sa “Sampu-Sample” ng It’s Showtime

“I can see the technique is there. Gustong-gusto ko ‘yon. Kasi ang pagsasayaw hindi lang puro hataw, kailangan may technique. Hindi tayo puwedeng puro aura,” komento ni Dawn sa isang grupong kalahok sa kompetisyon. 

Tinanong si Chie kung anong masasabi niya sa naging komento ni Dawn, na tila isang patutsada sa grupo nila. 

“I think baka naman talaga para sa mga contestants ‘yun,” pag-intindi ng Kapamilya artist sa naging panayam sa kanya sa Star Magic Halloween party nitong Linggo. 

“Pero kung sa amin, I just wanna say na, kasi naging part rin siya ng group namin. Parang the way she talks, parang hindi siya naging parte ng isang grupo,” pag-amin naman ng dalaga. 

Nagpaalam ba si Dawn?

Ayon din kay Chie, hindi raw nag-paalam si Dawn sa pag-alis niya sa kanilang grupo. 

“Hindi kami nag-uusap at all, after niya umalis ng GirlTrends. Wala siyang kinausap na aalis siya, or wala siyang pasabi na aalis siya. Nagulat na lang kami na nasa vlog na niya.”

Inamin din ni Chie na wala itong balak makipag-ayos kay Dawn kahit mabigyan man sila ng pagkakataong makapag-usap. 

“I wanna be honest. No, just no! Wala na e, kasi grabe na ang lamat na nilagay. So, I’d rather not to be plastic about it,” sagot niya. 

Inamin din ng GirlTrend member na masama ang loob niya kay Dawn dahil sa mga binitawang salita nito para sa grupo. 

“Siguro kasi grupo nga e. Pero bakit parang nilaglag mo kami.”

Pagbahagi naman niya na sanay na ang grupo nila sa mga pangungutyang nakukuha sa publiko. Ayon sa kanya, positibo at masaya lang ang grupo nila ngayon. 

Dagdag pa niya ay nagsisilbi itong mga aral para mas lalo silang mag-ensayo at maging mas mahusay sa kanilang ginagawa.

“It’s a lesson. Things happen for a reason and it’s just that na mas mag-aaral [pa] kami ng mabuti, dahil hindi naman everyday is a good day and we’re not perfect. Every day is a learning process.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here