Matapang na pagganap ni Jodi Sta. Maria sa ‘Clarita’

Bakit nga ba kahit si Jodi Sta Maria ay takot na takot sa pagganap sa pelikula nyang Clarita?

0
219
Naging Pagsubok ang 'Clarita' Kay Jodi Sta. Maria

Pagkatapos ng matagumpay na palabas sa takilya ng horror film ni Sharon Cuneta na Kuwaresma, ay muli na namang nasasabik ang mga Pilipino viewers sa darating na exorcism film ni Jodi Sta. Maria na Clarita.

Ipinalabas ang official trailer ng pelikula noong Mayo 19, 2019 at kitang kita naman na talagang pinaghandaan ang horror film na ito.

Ayon sa ABS-CBN actress, mahirap ang kaniyang naging karanasan sa paggawa ng pelikulang ito. Talagang kinailangan niyang pagtibayin ang kaniyang loob para lang magawa nang maayos ang iilan sa mga eksena dito.

Buwis Buhay Stunts sa ‘Clarita’

Tinanong ang proud, single mom kung aling mga eksena ang nahirapan ‘syang gawin na hindi niya makakalimutan at narito ang kaniyang naging tugon:

“Siguro po ‘yung kinailangan nila akong isabit sa ceiling, eh medyo (hindi medyo) mataas yung kisame. Takot ako sa heights eh. So, kailangan ko talaga i-brave yung takot ko para lang makunan ‘yung eksena na ‘yon”

Tinanong rin ang Kapamilya aktres kung hindi natakot ang kaniyang anak na si Thirdy sa pagganap nya sa Clarita.

“I would always tell him na, ‘Babe, it’s going to be okay, because it’s just Mama playing this role.'”

Pero natutuwang kwento ni Jodi ay natatakot pa din daw ang kaniyang anak sa panonood ng pelikula nito. Ngunit mukha namang daw mananaig ang pagmamahal ng kaniyang anak sa kaniya kaysa sa takot, kaya inaasahan nyang papanoorin pa rin ito Thirdy.

“Clarita is Not Your Ordinary Horror Film”

Ayon sa sa bida ng Clarita, hindi raw isang ordinaryong exorcism film ang inyong mapapanood sa pelikulang Pilipino na ito.

“This is actually a very good platform to show that, ‘This is not just your ordinary exorcism film. But if you really going to look at it, the story is about God’s love, that He does not leave us in the dark. He’ll always be with us, wherever, whenever, whatever”

Ang direktor ng ‘Clarita’ ay si Derick Cabrido, DGPI at sa ilalim ng produksyon ng Black Sheep, Purple Pig, at Clever Minds. Kasama din dito ang mga magagaling na aktor na si Ricky Davao at Arron Villaflor.

Mapapanuod ang pelikula sa mga sinehan sa buong bansa sa darating na Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12, 2019, Miyerkules.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here