Ano nga ba ang pagkakaiba nina Daniel at Alden ayon kay Kathryn?

0
54
daniel-alden-may-pagkakaiba-pero-i-love-them-both-ani-kathryn
Gaano nga ba ang pagkakaiba ng dalawang naging leading men ni Kathryn na sina Daniel at Alden?

Inamin ng box-office queen na si Kathryn Bernardo na takot siya sa mga pagbabago. Ngunit, ayon sa kanya, kailangan ito upang lumago. 

At wala nang hihigit pa sa pagbabagong naranasan ng aktres kamakailan lamang nang hindi ang kanyang nobyo na si Daniel Padilla ang ipinareha sa kanya, kundi ang Kapuso star na si Alden Richards.

“It was my first team-up with another partner, a movie without DJ,” pahayag ng dalaga nang tanungin siya tungkol sa kanyang pelikulang “Hello, Love, Goodbye”. 

“It was a struggle. Before saying yes to the project, I had to consider everyone, including my fans, because I didn’t want them to feel like I left them hanging.”

“I was scared to fail and meet everyone’s expectations,” ang sagot Kathryn sa mga reporters sa isang event ng POND’s para sa women empowerment campaign nito. 

Gayunpaman, ipinangako ng dalaga sa kanyang sarili na ang taong ito ay ilalaan niya para lalo pang lumago. Kaya naman sa kabila ng kanyang pag-aalinlangang tanggapin ang proyekto, tinanggap pa rin niya ito bilang isa malaking hakbang. 

Naging sulit naman ito dahil highest-grossing Pinoy film na ngayon ang pelikula nila ni Alden. 

“I’m proud of myself for everything that’s happening right now. Had I said no to this opportunity, it probably would have been the biggest regret of my life,” ani Kathryn. 

Samantala, nang tanungin naman siya kung ano ang kaibahan nina Daniel at Alden pagdating sa trabaho, ito ang nakakatuwang sinabi ng aktres:

“Alden is different when he’s doing comedy and drama. DJ is also different. Sobrang malayo sila, but I love them both.”

Ano naman kaya ang masasabi ni Kathryn tungkol sa mga espekulasyong kumakalat na magkakaroon ng sequel ang kanilang pelikula?

“There are lots of possibilities, but it’s too early to tell if there will be a part two, or if they would allow us. There are no talks yet—that’s going to be a long process,” aniya. 

“But let’s see,” dagdag niya. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here