Daniel Padilla, isang na ring producer!

0
141
daniel-padilla-producer-na
Pinasok na rin ng young actor na si Daniel Padilla ang larangan ng produksyon.

Bukod sa pagiging aktor, mang-aawit, negosyante at modelo, ngayon ay isa na ring producer ng batang box office king na si Daniel Padilla. 

Pinamunuan ni Daniel sa unang pagkakataon ang pangkalahatang produksyon ng music video ng awiting “Big White Wall”. Ito ang kauna-unahang kanta ng Jose Carlito Band, na kinabibilangan ng kanyang nakababatang kapatid na si Jose Carlito “JC” Padilla.

Nitong Miyerkules, sa programa ng ABS-CBN na “Magandang Buhay”, ibinahagi ng ina nila na si Karla Estrada ang kagalakan niya sa proyekto ng anak.

“Dito sa ginawa niyang music video ng kanyang kapatid, ‘yung pangalawa kong anak na si Jose Carlito, siya ang producer nito at kasama siya sa (miyembro) ng creative team,” pahayag ni Karla. 

“Hands-on siya, kasama siya sa buong shooting ng bagong music video ng aking anak na tunay ding mang-aawit, nagsusulat, nagko-compose. Abangan niyo malapit na malapit na. Congratulations, DJ anak at sa isa ko pang anak na si Jose Carlito,” dagdag niya.

Ayon pa kay Karla, maliban sa pagiging producer, pangarap din ni Daniel na maging isang director, 

“Eventually pangarap talaga ni Daniel na mag-direktor. So mapapanood natin eventually ang kanyang mga obra,” ani Karla.

Mapapanood ang music video ng “Big White Wall” sa darating na Agosto sa ilalim ng produksyon ng Star Cinema.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here