Daniel Padilla, masaya para kay Karla Estrada pero nakabantay pa rin ito sa bagong relasyon ng ina

0
84
Daniel Padilla, masaya para kay Karla Estrada pero nakabantay pa rin ito sa bagong relasyon ng ina
Masaya si Daniel Padilla para sa kanyang inang si Karla Estrada, ngunit bakit nakabantay ang aktor sa bagong nobyo ng ina? ALAMIN!

Masaya ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla para sa kanyang inang si Karla Estrada sa relasyon nito sa bagong boyfriend niyang si Jam Ignacio, ngunit nakabantay raw ito sa kanilang relasyon. 

Sa naging panayam kay Daniel sa “Tonight With Boy Abunda,” sinabi nitong nakilala na niya ang bagong boyfriend ng kanyang ina. 

“Yes, napakilala na sa akin ni Ermat. At siya naman, nagpakilala na rin siya sa akin,” pahayag ng Teen King. 

Banggit din ni Daniel na dahil alam nito lahat ang pinagdaanan ng kanyang nanay, hindi niya kayang tuluyang magpakampante kahit na masaya ito para sa Queen Mother

“Lahat ng relationship ng ermat ko, nandoon ako. So lahat nakita ko, narinig ko. So siyempre bilang anak ka at nakita mo lahat, hindi siya kaagad, ‘Ayos, okay na.’ Ngayon iba na. Ayokong maging kontrabida pero at the same time on the [lookout] lang ako. I’m just hovering.” 

Subalit, masaya pa rin daw ito na masaya at in love ngayon ang kanyang mama. 

“Lahat ng masasaya, lahat ng malulungkot nakita ko na lahat sa Ermat ko e, so masaya lang ako sa mama ko kasi she’s very happy, she’s in love,” dagdag ni Daniel. 

Perfect man for DJ’s mother 

Nang matanong naman ito kung ano sa tingin niya ang “perfect man” para sa nanay niya, sa tingin nito ay iyong lalaking “tamed” o maamo at kalmado. 

“Siya ang tumayong nanay at tatay namin kaya ang hirap ikumpara sa isang lalaki dahil ang nanay ko kulang nalang tubuan na rin ng balbas. Siguro kailangan niya ng mas tamed na lalaki. Kasi masyadong mataas Ermats ko e. Kailangan balanse lang silang dalawa. Nakikita ko naman kay Jam na ganoon naman siya,” paliwanag ng aktor. 

Kamakailan, nag-guest naman si Jam sa morning talk show na “Magandang Buhay,” kung saan ikinuwento nito ang love story nila ni Karla. 

Ibinahagi niya kung paano ito nanligaw kay Karla, bilang sikat na aktres ito at nanay pa siya ni Daniel, samantalang siya ay non-showbiz personality. 

“Wala kasi akong naisip na parang superstar siya e. Inaano ko na pareho lang kaming normal na tao. Kung ano ‘yung ginagawa ng isang lalaki sa isang babae, ganon yung ginagawa ko,” sagot ni Jam. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here