Ano nga ba ang dapat gawin kung inatake ng hika dulot ng ashfall?

0
170
dapat-gawin-kung-inatake-ng-hika-dulot-ng-ashfall

Ang pagbuga ng volcanic ash ng Taal ay isang banta sa respiratory condition, lalo na sa mga taong may hika.

Anu-ano nga ba ang dapat gawin kapag inatake ng hika o kapag nakaramdam ng hirap sa paghinga dulot ng ashfall?

Ayon kay Maria Carmela Kasala, isang pediatrician at allergologist, makatutulong ang regular na pag-inom ng kanilang maintenance medicine na inireseta ng doktor.

“Kung mayroon kayong mga maintenance medication na minsan-minsan niyo lang tine-take, mag-regular na kayo ng gamot,” ani niya sa programang “Good Vibes” ng DZMM.

Ani dok, lagi ring ihanda ang rescue inhaler upang maibsan ang hika. Bukod pa rito, makatutulong din ang paggamit ng bronchodilator at nebulizer.

Binibigyan din ng mga doktor ang pasyenteng may hika ng treatment plan upang sa ganon ay alam ng mga ito ang dapat gawin kung atakihin man ng hika.

Payo pa ni Dr. Kasala na manatili na lamang sa lobo ng bahay upang maiwasang ma-expose sa abo galing sa Taal volcano.

Kung hindi maiiwasang hindi lumabas ng bahay, magsuot ng N95 mask upang ma-filter at maiwasang malanghap ang abo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here