Dennis, binalaan si Gerald ukol sa isyung kinasasangkutan ni Julia

0
71
Dennis,-binalaan-si-Gerald-ukol-sa-isyung-kinasasangkutan-ni-Julia
Dennis Padilla at Gerald Anderson, nagkausap na.

Dennis Padilla binalaan si Gerald Anderson pagkatapos malamang nasangkot ang anak na si Julia Barretto sa isyu nila ni Bea Alonzo

“Nag-text muna ako noong lumabas ‘yung issue. Nag-text lang ako,” pahayag ni Padilla sa press conference ng kanyang pelikulang ‘Sanggano, Sanggago’t, Sanggwapo’.

“Tapos tumawag siya, kinausap ko. Pagkausap ko, ni-remind ko lang sa kanya, ‘Pare, anak ko ‘yan’.”

“Yun lang. Siguro naman alam niya na ang lalim noon dahil lalaki siya,” dagdag niya.

Pinayuhan din ni Padilla ang kanyang anak na magpahinga muna sa social media pagkatapos ng kontrobersiya na umagaw sa atensyon ng karamihan. 

“Syempre kapag anak mo, ang una mong gagawin, proteksyunan. So ang sabi ko sa kanya, wag muna siya mag social media, magpahinga ka sa social media,” aniya. 

Maliban doon, sinabihan niya rin si Barretto na kung maaari ay magbakasyon muna ang dalaga.

“Ang mas maganda, magbakasyon ka muna. Sabi ko nga sa kanya kung wala pa siyang shooting or hindi naman siya gaano busy, lumayo muna siya sa social media. Hintayin muna niya mag die down ‘yung issue.”

Sumabog ang balita na naglilink kina Anderson at Barretto noong nag-post si Alonzo ng cryptic message na nagpapahiwatig ng panloloko ng kanyang nobyo. 

Samantala, itinanggi naman ni Anderson na may third party na kasangkot sa hiwalayan nila ni Alonzo. 

Nilinaw rin ni Barretto ang kanyang panig at sinabing “their issues are entirely their own.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here