Dahil sa mga kaliwa’t kanang alegasyong ibinabato sa kanyang administrasyon, pinagsisisihan daw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtakbo niya bilang presidente ng Pilipinas.

“Nawad-an ko og ganang motrabaho. Actually, nagmahay gyud ko. Nagmahay ko nidagan ko og presidente,” pahayag ng pangulo sa kanyang talumpati noong Miyerkules, kung saan pinamunuan niya ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng Cagayan Oro.

(Nawalan na ako ng interes sa trabaho. Sa totoo lang, ikinalulungkot ko ito. Ikinalulungkot kong tumatakbo sa pagkapangulo).

Pahayag ni Duterte ukol sa mga isyung kinasangkutan ng NPFI at AFP

Sinabi niya ito matapos ang pahayag niya tungkol sa isang isyung kinasangkutan ng Nayong Pilipino Foundatin Inc. (NPFI) noong nakaraang taon at ng ang di-umanong maanomalyang transakyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

“They allowed a casino to be erected without a public bidding. Nisurop akong dugo… What’s the essence of a casino inside Nayong Filipino? Nganong ibutang nimo diha? How stupid,” aniya.

(Pumayag silang magpatayo ng casino doon nang walang public bidding. Nagalit talaga ako… Ano ba ang halaga ng isang casino sa loob ng Nayong Filipino? Bakit mo ito ilalagay doon?)

Sumali sa isang lease contract ang NPFI kasama ang Landing Resorts Philippines Development Corp. (LRPDC), na isang sangay ng Landing International Development Ltd. ng Hong Kong. Ito ay upang magtayo ng isang casino resort na nagkakahalaga ng 1.5 bilyong dolyar.

Tinanong ng pangulo ang kapulungan ng NPFI noong Agosto 7, 2018, ang araw kung kailan nangyari ang groundbreaking ceremony para sa nasabing proyekto.

afp-medical-center
Armed Forces of the Philippines Medical Center (Image source: philstar.com)

Samantala, pinatalsik niya ang mga opisyal ng AFP na kasangkot sa maanomalyang transaksyon na nagkakahalaga ng 1.5 milyong piso. Kabilang sa mga transakyong ito ay ang pagbili ng mga kagamitan o ghost purchasing, paghahati ng mga kontrata upang maiiwasan ang mga sapilitang proseso ng bidding, at paggawa ng mga pekeng supplier.

Dagdag pa dito, natuklasan ng mga awtoridad ang iba pang iregularid na umabot sa 17 milyong piso. Ito raw ay inilalarawan bilang “sistematikong korapsyon” sa militar.

“Moingon mo karon nga happy ko, ‘di ko mamakak. Nganong mamakak man ko? I don’t have any obligation to you to tell a lie. I’m sick and tired of the system,” pahayag ni Pangulong Duterte.

(Kung sasabihin mo na masaya ako, hindi ako magsisinungaling. Bakit ako magsasabi ng kasinungalingan? Wala akong karapatan na magsalita ng kasinungalingan. Ako ay sawa at pagod na sa sistema.)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here