Eddie Garcia, Kritikal ang Kondisyon; Cervical Fracture ang Sanhi

0
188
eddie-garcia-kritikal-ang-kondisyon
Beteranong aktor na si Eddie Garcia, nakaranas ng cervical fracture at hindi heart attack.

Pinabulaanan ng doktor na sumusuri kay Eddie Garcia na hindi raw heart attack o stroke ang sanhi ng pag-collapse niya, kundi cervical fracture.

Maraming mga balita ang lumabas sa mga nakaraang araw na ang dahilan ng pagka-ospital ng beteranong aktor ay atake sa puso. Subalit ipinahayag ng doktor na si Dr. Enrique Lagman, family doctor nila, na nakaranas daw ito ng ‘cervical fracture’ nang matumba ito habang nagshoo-shoot ng isang proyekto para sa GMA Network.

“The doctors ruled out heart attack and stroke as proven by several validating tests done in Mary Johnston hospital. He is in critical condition due to severe cervical fracture,” salaysay ng doktor sa pahayag na inilabas ng pamilya ng 90-taon na aktor.

Mr. Eddie Garcia

Happen during the taping Get well soon Mr. Eddie Garcia?Video courtesy of Mhervin Maco

Posted by Happy Riders PH on Saturday, June 8, 2019

Samantala, isang video naman ang nag-viral mula kay Mhervin Maco na nakakuha sa buong pangyayari. Makikita dito na pagkapasok ng aktor, natalisod ito sa isang kable at tuluyang napadapa. Kaagad namang sumaklolo ang mga tao nang makita na hindi siya agad na nakatayo.

Pahayag ng GMA sa Kondisyon ni Eddie Garcia

Samantala, pag-aaralan naman daw ng GMA Network ang naturang video upang matukoy ang nangyari sa set. Ito ay upang linawin ang kanilang unang inilabas na pahayag na nag-collapse si Garcia dahil sa heart attack o stroke.

“The video of Mr. Eddie Garcia faltering in his steps and eventually collapsing has reached GMA. We are seriously reviewing the said video as well as other videos of the same scene which our cameras also took, before we make any conclusions on what really transpired,” pahayag ng network.

“The statement that was released earlier was given to GMA News by Nick, Mr. Eddie Garcia’s stepson,” dagdag nito.

“Meanwhile, we continue to pray for his quick recovery.”

Sa ngayon, naiulat na inilipat na siya Makati Medical Center at nasa mahimbing na pagkatulog at hindi comatose. Kasalukuyan ding inoobersabahan ang aktor upang makita kung patuloy na ang kaniyang paggaling.

Ang “Rosang Agimat” ay isang upcoming serye sa GMA na pagbibidahan ni Manoy.

Bagamat sa kanyang edad, aktibo pa din si Eddie sa showbiz at sa paggawa ng drama. Sa katunayan, nagkamit pa siya ng Special Jury Prize sa nakaraang Metro Metro Manila Film Festival 2018, sa kanyang pagganap bilang elderly gay man sa isang LGBT-themed movie na Rainbow’s Sunset.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here