Matteo, pinag-ipunan nga ba ang engagement ring para kay Sarah mula pa noong 2014?

0
112
engagement-ring-5-taong-pinag-ipunan-ni-matteo
Matteo Guidicelli, pinatunayang 'hard work really pays off' sa limang taong pag-iipon ng engagement ring na ibinigay kay Sarah Geronimo.

Alam ng karamihan na talagang seryoso si Matteo Guidicelli sa kanyang pagmamahal sa kasintahang si Sarah Geronimo. 

Ngunit tila buhat pa nang simula ng kanilang relasyon ay alam na nito na si Sarah na ang kanyang gustong mapangasawa. 

Noong Nobyembre 7, inanunsyo ng aktor sa isang Instagram post ang kanilang engagement. Maraming sa kanilang mga kaibigan at taga-suporta ang nagpahayag ng kanilang tuwa sa balitang ito. 

Samantala, inalala ni Jerry Telan, kaibigan ni Matteo, sa kanyang Instagram post ang panahong sinabihan daw ito ng aktor na kailangan nitong magtrabaho upang makapag-ipon para sa engagement ring na ibibigay niya kay Sarah. 

“So Happy for Matty. Flexing his perseverance 5 years in the making, engagement proposal,” pahayag nito sa kanyang caption ng larawan nila ni Matteo. 

“Sabi niya noong 2014 sa aming mall show raket in Bohol: ‘Kuya Jers, Bai i need more work to buy engagement ring for Sarah.’ And the rest is history,” dagdag ni Jerry. 

Sumagot naman si Matteo ng: “Good times bro!!”

Talaga namang nagbunga ang pagtitiyaga ng aktor ngayong nabigyan niya ng napakaganda at mamahaling diamond ring si Sarah. 

Noong Pebrero ay itinaggi nitong nag-propose na siya sa pop star nang makita ng publiko na may suot itong diamond ring, sa kadahilanang masyado raw itong maliit. 

Nagsimulang mag-date ang dawala noong 2013, at kinumpirma lamang nila ito matapos ang isang taon. 

At kahit na opisyal na ang kanilang relasyon, pinili pa rin ng dalawa na panatilihing pribado ang kanilang relasyon. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here