Estudyante mula sa Davao del Sur, nakapagtanim ng puno ng mansanas

0
94
estudyante-nakapagtanamin-ng-puno-ng-mansanas
Benzone Sepe, estudyanteng nakapagtanim ng puno ng mansanas sa Digos City, Davao del Sur

Hindi karaniwang tumutubo ang mga puno ng mansanas sa tropikal na bansa tulad ng Pilipinas at ang mga mansanas na ibinebenta sa mga pamilihan ay mula pa sa ibang bansa.

Subalit pinatunayan ng isang Agriculture student mula sa Digos City, Davao del Sur na si Benzone Sepe na, ang pagtatanim ng mansanas sa Pilipinas ay posible. 

Noong 2014, habang kumakain si Benzone ng mansanas, naisipan nitong magtanim ng tatlong buto ng mansanas sa kanilang bakuran sa Barangay Kapatagan sa Digos. 

Makalipas ang ilang buwan, namatay ang dalawang puno habang isa lang nabuhay, ngunit hindi naman ito namunga. 

Samantala, hindi tumigil si Benzone at patuloy itong humanap ng mga pag-aaral patungkol sa pagtatanim ng mansanas. 

“I pruned the plant but it did not end there. I found out a proper way in the internet and that the branch should be bent for sunlight exposure,”  pahayag nito sa sa panayam ng ABS-CBN News.

Noong Enero 2018, napansin nito na nagkaroon ng bulaklak ng puno ng mansanas at sa sumunod na buwan, nakita na ni Benzone ang mamula-mula nitong bunga. 

“I cannot see any difference between that and a commercial apple because the juiciness and crunchiness is still there,” sabi ni Benzone.

Ayon kay Dr. Alexander Campaner na isang eksperto sa agrikultura, base sa genetic characteristic na mansanas, nangangailangan ng 7 hanggang 12 degrees Celsius na temperatura upang makapagpatubo nito. 

“Based on the studies that I conducted in Benguet, they planted apple trees, but the result is not as good as ours,” ani Campaner. 

Kaya naging posible ang pagtubo ng mga puno ng mansanas sa matataas na lugar ng Digos. 

Ayon naman sa regional director ng Department of Agriculture XI na si Bong Oñate, hindi ito ang kauna-unang puno ng mansanas na tumubo sa Mindanao. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here