Minute To Win It, GGV, hindi pa nga ba nabayaran ang TF ni Ethel Booba?

0
118
ethel-booba-hindi-pa-nabayad-tf-sa-minute-to-win-it-ggv
Ethel Booba

Pinahayag ng komedyante na si Ethel Booba na nawalan na siya ng ganang mag-guest sa mga TV shows dahil hindi pa siya binayaran ng ilang mga programa hanggang ngayon. 

Ayon sa kanyang Twitter post noong Setyembre 22, hindi pa ito binabayaran ng isang programa na halos mag-iisang taon na. Samantala, mahigit sa limang buwan na ang nakakaraan at hindi pa niya natatanggap ang kanyang TF mula sa isa pang programa. 

“Di mo kayang mag name drop ng show mamah?” tanong ng isang netizen. 

Sinagot ito ni Ethel at ibinunyag niya ang isa sa mga programang tinutukoy niya. 

“Minute To Win It. Ilang minutes ako nag-antay sa bangko wala pa din pala eh mag 1 year na. Charot!” pahayag niya. 

Sa kabilang banda, napansin ng host ng Minute To Win It na si Luis Manzano ang tweet ng komedyante. 

“Pa check ko Ethel!” sabi ni Luis at pinasalamatan naman ito ni Ethel. 

Isa pang netizen na nagkomento na dati raw ay pinagtatanggol pa ng komedyante ang ABS-CBN. Nilinaw ito ni Ethel at sinabing:

“Show lang nila tinutukoy ko na delay sa bayad di ko naman sinabing entire network. Even ibang network naman may show sila na may problem minsan pag iissue na payment. Charot!”

Samantala, isang follower niya ang nagsabing sana hindi raw ang programa ni Vice Ganda na “Gandang Gabi Vice” (GGV) ang kanyang tinutukoy.

At heto ang pahayag ni Ethel:

“Actually may guesting pa ako sa GGV na di pa din nabibigay ang TF until now. Charot!” 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here