Pambato ng Pinas para sa Miss Universe 2019, handang-handa na!

0
126
gazini-ganados-handa-na-miss-universe-2019
PH bet Gazini Ganados, handa na para sa Miss Universe 2019!

Handang-handa na ang pambato ng Pilipinas para sa Miss Universe 2019 na si Gazini Ganados sa paglipad niya patungong Atlanta, Georgia.

Binigyan siya ng mainit na pagsalubong ng kanyang mga kababayan sa Ninoy Aquino International Airport ngayong Martes, Nobyembre 26. 

Suot ng beauty queen ay ang blue pantsuit at sinamahan siya ng kanyang mentor na si Rodgil Flores at Miss Universe Philippines creative director na si Jonas Gaffud.

Samantala, kasama niyang tumungo sa Atlanta ang kalahok ng Singapore na si Mohanaprabha Selvam, na nag-training din kay Gaffud.

Bago umalis si Gazini, binati muna siya ng kanyang kaibigan sa Binibining Pilipinas pageant na si Emma Tiglao.  

Ngayon ay umaasa si Gazini na maibabalik niya ang Miss Universe crown sa Pilipinas pagkatapos ni Catriona Gray

Gaganapin ang coronation night sa Atlanta, Georgia ngayong Disyember 9.

Read more:

How does Gazini Ganados prepare for Miss Universe 2019?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here