Gerald Anderson, nagsalita na sa hiwalayan nila ni Bea Alonzo

0
68
gerald-anderson-nagsalita-na-sa-hiwalayan-nila-ni-bea-alonzo
Nilinaw na ng aktor na si Gerald Anderson ang nangyari sa hiwalayan nila ni Bea Alonzo.

Binasag na ni Gerald Anderson ang kanyang katahimikan ukol sa usap-usapang hiwalayan nila ng aktres na si Bea Alonzo.

Matatandaan na unang naglabas ng kanyang pahayag ang aktres at sinabi nito na, “Honestly, to my understanding, we did not break up. He just started not talking to me.

“Siguro, ang nangyari, just like any relationship, you have those moments where you have that fight, after fight after fight after fight. But you have that one big fight na doon niyo nailabas lahat ng emotions and lahat ng feelings,” pahayag naman ni Gerald sa ABC-CBN news noong Lunes.

“Doon din ‘yung realization na hindi na siya masyadong healthy, and we’re just hurting each other. Iyon, umabot sa point na ayawan na talaga. And then after that, you have to stay strong and disciplined para umiwas muna sa communication. Siguro, that moment, or that fight, happened about four weeks ago, mga isang buwan na siguro,” dagdag pa niya.

Nilinaw ni Gerald na walang ‘third-party’

Samantala, ukol sa espekulasyong may third party na naging dahilan ng kanilang hiwalayan ni Bea, ito ang sinagot ng aktor:

“Walang outside force, walang ibang tao ang naging dahilan ng breakup. Para sa akin, it’s always been our personal issues, things that we… Things inside our relationship [that caused the breakup].”

Nang tanungin naman siya ng diretsahan kung may kinalaman dito ang aktres na si Julia Barretto, pahayag ni Gerald, “No one else was the reason, the cause of the breakup.”

Kamakailan lang ay si Julia, na naging leading lady ng aktor sa pelikulang “Between Maybes”, ang itunuturong dahilan ng hiwalayan, kung saan nagpahiwatig si Bea sa kanyang Instagram post ukol sa isyu.

Bukod pa dito, maraming netizens ang nakapansin sa Instagram activities ng aktres, kasama na dito ang pag-like niya ng posts na ugnay sa affair nina Gerald at Julia, na nagbunga sa mga kritisismo mula sa publiko.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here