Gerald Anderson, kumpirmadong nililigawan na si Julia Barretto

0
250
Gerald Anderson kumpirmadong nililigawan na si Julia Barretto
Kumpirmadong nanliligaw na nga si Gerald Anderson kay Julia Barretto matapos ang mga espekulasyon na magnobyo ang dalawa.

Kumpirmadong nanliligaw na nga si Gerald Anderson kay Julia Barretto matapos ang mga espekulasyon na magnobyo ang dalawa. 

Ito ay galing sa kwento ng isang source mula sa Kapamilya network na sinabing walang alinlangang sinagot ni Gerald ang tanong ng ama ni Julia na si Dennis Padilla. 

“Are you courting my daughter,” ang tanong diumano ni Dennis. 

“Yes,” ang mabilis na sagot ni Gerald dito. 

Samakatuwid, iba-iba ang mga naging reaksyon ng mga tao sa sitwasyon ng dating nobya ni Anderson na si Bea Alonzo dahil kung ibubuod ang kanyang naging pahayag, siya ay na “ghost” kung tawagin ng mga Millennials. 

Ayon kay Bea, hindi niya alam na hiwalay na pala sila ng aktor dahil bigla lang naman daw siyang hindi kinausap nito. At ngayon nga ay kumpirmadong nanliligaw na si Gerald sa naging on-screen partner nyang si Julia. 

Isinabuhay ang Between Maybes? 

Ang pelikula nina Julia at Gerald ay tungkol sa dalawang taong nagkita sa tamang panahon at tamang lugar sa Japan. Ang karakter ni Julia ay may pinagdadaanan sa kanyang nobyo at ang karakter na ginampanan naman ni Gerald ay kinukwentong maayos ang relasyon nila ng kanyang nobya. Nagkita ang dalawang bida ng kwento habang malayo sila sa kanilang mga mahal sa buhay at kinalaunan ay naisip na “paano kung sila?” 

Payag ang bidang lalaki na maging shoulder to cry on ng babae at naging open naman ang bidang babae rito. Doon na nga nagsimula ang atraksyon na namamagitan sa dalawa… 

Ganun nga kaya ang nangyari kina Julia at Gerald sa totoong buhay? 

View this post on Instagram

HAZEL/LOUIE for @metrodotstyle

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto) on


Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na nagkaroon ng lamat ang relasyong Julia Barretto at Joshua Garcia noong Abril nang lumantad nga sa publiko na naakit si Joshua sa isang babae sa Instragram na siyang naging dahilan ng pag-aaway ng dalawa. Bandang Hunyo naman nang kinumpirma ni Joshua na “best friends” na lamang sila ng aktres. 

Pagkatapos, naging maingay ang mga balita-balitang “cheating” nang nag-post si Bea Alonzo sa kanyang Instagram account na tungkol sa paggawa ng pagkakamali na ipinalagay naman ng mga fans na tungkol ito sa hiwalayan nila ni Gerald at “panloloko” nito sa kanya. 

Lalong lumakas pa ang mga haka-haka ng mga tao nang namataang nag-like si Bea ng mga posts sa IG na magkasama sina Julia at Gerald. 

Naging usap-usapan ang mga Kapamilya actors dahilan para mahusgahan nang husto sina Gerald at Julia, habang na kay Bea ang simpatya ng mga tao. 

Gerald, a lady magnet? 

Sa kabilang banda, nag-post ang isang Gerald fan account tungkol sa paniniwala lamang sa isang panig ng kwento at parehong naka-like sina Gerald at Julia rito. 

View this post on Instagram

This…???

A post shared by GERALDNATICX Official (@geraldnaticxofficial) on

Tinanong din ang source ng balitang panliligaw ni Gerald kay Julia kung bakit nga nagagawang maakit ni Gerald ang mga babae kahit na bata at matanda pa sa kanya. 

“Because he’s charming, nurturing, caring, and is ever ready to offer his shoulder to cry on,” ang sagot ng insider. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here