Heart Evangelista, nagbahagi ng larawan kasama ang Korean star na si Ji Chang Wook

0
81
heart-evangelista-with-ji-chang-wook
Heart Evangelista shares a photo with Korean actor Ji Chang Wook.

Nakasama ng aktres na si Heart Evangelista ang Korean star na si Ji Chang Wook sa isang event ng Clash de Cartier, isang jewelry brand, na ginanap sa Singapore.

Sa kanyang panayam sa Cosmo.ph, sinabi ni Heart na nakita sila ng aktor at tinanong nito kung gusto nilang magpa-picture. 

“He saw me [looking at him] and I was shy. He asked if we wanted to take a photo and we said yes!” sabi ni Heart.

Ibinahagi naman ng aktres ang larawan kasama si Chang Wook sa kanyang Instagram Story.

heart-evangelista-ji-chang-wook

Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na makasama ang sikat na Korean celebrity. Sa katunayan, noong Setyembre ay nakasama niya ang isang Kpop icon at fashion designer na si Jessica Jung sa Paris Fashion Week. 

View this post on Instagram

Seatmates. 💕 @jessica.syj #PFW

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte) on

Si Chang Wook ay kilala sa kanyang mga karakter na ginampanan sa “Healer,” “The K2,” at “Suspicious Partner.”

Samantala, noong nakaraang buwan naman ay pumunta ng pamilya ni boxing champ at Sen. Manny Pacquiao sa South Korea.  Doon ay binisita nila ang aktor sa set ng “Melting Me Softly,” kung saan ang asawa ni Pacquiao na si Jinkee ay nagpadala pa ng coffee truck. 

Sa susunod na taon ay nakatakdang bumisita sa Pilipinas si Chang Wook para sa isang fan meeting, ayon sa kanyang agency na Glorious Entertainment. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here