Alden Richards, hindi nga ba ang first choice maging ‘Ethan’ sa ‘Hello, Love, Goodbye’?

0
265
hello-love-goodbye-originally-kathniel-movie

Sa interview ni Daniel Padilla sa “Tonight With Boy Abunda” noong Lunes, sinabi ng aktor na unang inalok sa kanila ni Kathryn Bernardo ang “Hello, Love, Goodbye” bago tuluyang ginampanan ni Alden Richards ang role bilang ‘Ethan Del Rosario.’

“In-offer naman sa akin ‘yun Tito Boy. Sa amin naman talaga original ‘yun, originally dapat ‘yun para sa amin,” pahayag ni DJ.

Kuwento pa niya, isang mahabang proseso ang pinagdaanan nila ni Kathryn bago tanggapin ng nobya ang pelikula bilang ito ang unang pagkakataon na hindi sila magsasama sa iisang proyekto.

“Napag-usapan namin ‘yun after ‘The Hows Of Us’ na magpapahinga muna kaming dalawa,” aniya.

“Hindi siya mabilis na proseso (na parang) ‘okay, gawin mo na, gawin mo na siya.’ Hindi ganun kadali. Isa siyang mahabang proseso. It’s something new sa amin and parang out of nowhere si Kathryn nagtatanong kung paano ‘to kung ready na ba siya and mahaba siyang usapan.”

Dagdag pa ni Daniel, tiwala sa isa’t isa ang naging sandigan nila ni Kathryn habang ginagawa ang “Hello, Love, Goodbye.”

“Kailangan mo rin ibigay ang tiwala mo e, kailangan mong ibigay ang tiwala sa nakaisip ng pagsasama na ‘yun,” aniya.

‘Only option’ si Alden Richards

Ang pahayag nito ni Daniel Padilla ay umani ng samu’t saring reaksyon mula sa mga tagahanga ni Alden Richards. 

Ayon sa kanila, ang kanyang sinabi ay taliwas sa mga pahayag ni Direk Cathy-Garcia Molina, na siyang direktor ng pelikula, at ng iba pang mga taong nasa likod ng “Hello, Love, Goodbye”, pati na rin sa sinabi ni Kathryn kay Alden na siya lang ang ‘only option’ upang gumanap bilang ‘Ethan Del Rosario.’ 

Ang pelikula na pinagbidahan ni Kathryn at Alden ay ang may hawak ng highest grossing Filipino film, kung saan napanatili ni Kathryn ang titulo bilang box-office queen habang nasungkit naman ni Alden ang titulo bilang bagong box-office king.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here