Paano nga ba gumawa ng homemade disinfectant?

0
522
homemade-disinfectant-vs-coronavirus

Ngayong nagkakaroon ng kakulangan ng suplay sa mga pamilihan dahil sa “panic-buying,” nawawalan ng pagkakataon ang iba na ma-proteksyonan ang kanilang kapakanan. 

Isa sa mga sandata panlaban sa COVID-19 ay ang pag-disinfect ng kapaligiran. Kung walang mabili, maaaring gumawa ng homemade disinfectant gamit ang ilang sangkap na makikita sa bahay.

Ibinahagi ng isang chemist na si Janir Datukan sa programang “Umagang Kay Ganda” kung paano gumawa ng homemade disinfectant.

Para sa mga tela: 

Mga sangkap: 

• Spray bottle

• Tubig

• Suka

• 5 drops essential oils 

Paraan:

1. Ibuhos ang tubig at suka sa spray bottle. Ayon kay Datukan, dapat “equal parts” o magkatumbas ang dami ng inilalagay na tubig at suka sa bote. 

2. Lagyan ng essential oils. Alugin ang bote. 

3. Maaari nang i-spray ang disinfectant. 

Para sa tiles ng kusina at banyo: 

Mga sangkap: 

• 4 tasang mainit na tubig

• 1/2 tasang suka

• 1 tbsp baking soda

• 1 hiwa lemon

Paraan:

1. Paghaluin ang tubig, suka, baking soda, at lemon. 

2. Ilagay sa spray bottle. 

Ayon kay Datukan, maaaring maglagay ng hydrogen peroxide o agua oxinada at suka ang mga parte ng bahay na lilinisin kung gusto ng mas matapang na homemade disinfectant.

Ilagay ang agua oxinada at maghintay ng 5 hanggang 10 minuto. Pagkatapos, ilagay na ang suka at punasan ang lilinising bahagi ng bahay.

Paalala ni Datukan, hindi maaaring pagsabayin ang hydrogen peroxide at suka dahil baka magdulot ito ng chemical reaction.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here