Pelikulang ‘Indak’ ni Nadine Lustre, hindi pumalo sa takilya

0
415
'Indak' ni Nadine Lustre, bakit nga ba hindi patok sa takilya
Sabi ng direktor ng Indak ay natatangi ang konsepto ng pelikula ni Nadine Lustre, ngunit bakit nga ba hindi ito kinagat ng mga manonood?

Ipinalabas sa mga sinehan ang pelikulang “Indak” ng Viva Films na pinagbibidahan ni Nadine Lustre noong Miyerkules, Agosto 07, ngunit naging matamlay ang pagtangkilik ng masa sa pelikula. 

Bago ang konsepto ng pelikula sa nakasanayan ng mga Pilipino na ipinapalabas sa sinehan. Ito ay kwento ng isang probinsyanang si Jen (Nadine Lustre) na nangangarap maging isang matagumpay na mananayaw. Nagsimula ang kanyang kwento nang mag-viral ang video nito na sumasayaw sa bangka habang nasa gitna ng dagat. Umikot ang kwento sa kung papaano ang naging pagtupad ng bidang babae sa kanyang mga pangarap.  

Ang pag-angkin ng direktor ng pelikula ay natatangi ang konsepto dahil na rin sa mga orihinal na kanta at paraan ng pagkakakwento ng pelikula. Ngunit bakit nga ba hindi ito kinagat ng mga manonood? 

Bakit ito pinull-out sa mga sinehan? 

Kasama ni Lustre sa “Indak” ang kaniyang matalik na kaibigan na si Sam Concepcion, iba pang mga sikat na mananayaw sa bansa tulad ni Julian Trono, at ilan sa mga miyembro ng G-Force, na isang sikat na grupo ng mga mananayaw sa Pilipinas. 

Ang hinala ng mga netizens kung bakit hindi pumalo ang pelikula ay isinabay ito sa “Hello, Love, Goodbye” ni Kathryn Bernardo, na kanyang matalik na karibal sa kanyang karera. Ang opinyon din ng mga tao ay hindi na kasalanan ng kalabang aktres ang sinapit ng “Indak”, kung daw talagang hindi maganda ang kwento ng pelikula ni Lustre. 

Isa pang dahilan na nakikita ng mga taganood ay sinabay raw kasi ito sa mga mas dekalidad na mga pelikula mula sa Cinemalaya Festival sa Maynila. 

Sagot ng mga fans

Ayon sa mga bali-balita, maliit lamang ang kinita ng pelikula sa unang araw nito sa mga sinehan. Ang maliit na kita ay bumaba pa raw ng mga 35% sa ikalawang araw nito.

Pagkatapos ng mga pangyayari ay tinanggal ang pelikula sa mga iilang sinehan at ibinalik ang patok na patok na pelikula ngayon ni Bernardo at Alden Richards, mga dahuyang pelikula, at ang “Family History” ni Michael V. 

Galit na galit ang mga tagahanga ni Nadine at tagasubaybay ng Indak sa ginawang pagtanggal sa pelikula. 

Ayon sa isang tagahanga, konti na lang ay magmakaawa ang mga ito sa sinehan para lamang maipalabas ang pelikula sa kanilang probinsya sa Cotabato ngunit wala ring nangyari.  

Ayon naman sa sagot ng isang kahera sa sinehan, hindi raw malakas ang pelikula sa kanila kaya’t kinailangan itong alisin sa ere. 

“‘Di man malakas sa amin,” ang sagot ng kahera. 

Galit din ang mga fans sa Viva Films dahil sa diumano’y kulang nilang pag-promote upang panoorin ito ng mga tao — bakit daw pinabayaan si Nadine at ang pelikula. 

Gayunpaman, may mga tao pa ring nagustuhan at nagsabi ng mga magagandang salita tungkol dito. 

Hindi naman din masisi ang mga sinehan kung ipu-pull out ang isang bagong labas na pelikula na maliit lamang ang kita, at patuloy na ipalabas ang isang namamayagpag na pelikula. 

Hindi nga naman kikita ang mga sinehan kung hindi sila mamimili ng mga pelikulang ipapalabas sa kani-kanilang big screen. 

Bagaman, may international screening pa rin ang “Indak” sa Singapore at Dubai sa Agosto 15; Kuwait, Qatar, Oman, at Bahrain naman sa Agosto 22. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here