’I am the Inday Marjorie was referring to,’ says Inday Barretto

0
117
’I am the Inday Marjorie was referring to,’ says Inday Barretto
Inday Barretto with Marjorie Barretto at a Sunday lunch post of the latter on Instagram.

Nagsalita na ang nanay ng Barretto sisters na si Inday Barretto ukol sa video na inupload ni Claudine kung saan sinabi nito na pinagbantaang saktan ni Marjorie ang kanilang ina.

Kuha mula sa private Instagram account ng nanay, sinabi nito na siya ang ‘Inday’ na tinutukoy ni Marjorie sa video

“I am the Inday Marjorie was referring to after a big fight in the hospital about the Subic home we own. I’m in shock and in so much pain as a mother. I just learned about the video and my heart breaks,” post ni Inday. 

Marjorie, Claudine said everything, pls don’t drag my name Marjorie. Didn’t know you were doing DAMAGE CONTROL BY USING ME. Learn to tell the truth and nothing but the truth,” dagdag pa nito. 

Ang IG story na ito ay pinost naman ni Claudine sa kanyang Instagram. 

“Nagsalita na ang Mommy. The Truth will always always Prevail,” ani Claudine sa kanyang caption sa litrato. 

Kamakailan ay madalas na lumalabas sina Claudine at Gretchen na kasama ang kanilang Mommy Inday. 

Sinabihan pa nito ang kanyang mommy na, “I luv u & respect u so much @estrellabarretto,” sa kanyang post. 

View this post on Instagram

I luv u & respect u so much @estrellabarretto

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

Nauna nang itinanggi ni Marjorie na hindi ang kanilang mommy ang tinutukoy niyang ‘Inday’ sa video. 

“Super drama to death si ano, si Inday. Masyado siyang dramatic. Baka masapak ko,” sabi ni Marjorie sa naturang video na uploaded ni Claudine. 

Ito ang naging dahilan ni Marjorie para hamunin si Claudine sa korte at patunayan ang mga paratang nito sa kanya. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here