James Reid, magiging Kapuso na nga ba? ALAMIN!

0
128
James Reid, magiging Kapuso na nga ba ALAMIN!
Bakit nga kaya napapabalitang lilipat si James Reid sa GMA network?

Napapabalitang lilipat na ang Kapamilya actor na si James Reid sa GMA 7. 

Tinanong ng Philippine Star ang ngayong singer-songwriter na ring si James kung totoo nga ba ang mga bali-balitang paglipat niya. 

“No, it’s not,” ang mabilis na sagot ni Reid habang nakangiti. 

Tinanong din ang singer kung bakit hindi na ito muling pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency. 

Ayon sa aktor, mga ibang bagay na muna ang pagtutuunan nya ng pansin ngayon. 

“I just didn’t renew. You know, I’m focusing on other things now,” ang pagbahagi ng aktor. 

Nilinaw din ng aktor na hindi ang kanyang ama ang bago niyang manager, kung hindi ang sarili na niya. 

“It’s great but it’s also scary,” pag-amin niya ng kanyang damdamin tungkol sa pagiging independent artist niya sa kasalukuyan. 

“I’m just waiting for the right project”

Nilinaw din ni Reid na hindi pa niya sinusukuan ang showbiz at may plano pa itong gumawa ng mga pelikula. 

“I’m just waiting for the right project,” ang sagot ng aktor sa tanong na bakit tahimik ang kanyang karera sa showbiz ngayon. 

Abala si James ngayon sa kanyang sariling music label na Careless Music Manila. 

“I’m focusing on my music label right now. I wanna give it a chance, I wanna see how far I can go with my music and I have big plans for it.”

Banggit niya’y si Nadine Lustre, na kanyang nobya, ang direktor sa ilan sa mga music video ng kanyang label.

Kamusta ang JaDine? 

Nang tanunging naman ang aktor kung anong reaksyon ni Nadine sa kanyang pagsasarili, “You should ask her about that,” ang kanyang naging sagot. 

Ayon kay James, sinigurado niyang hindi maapektuhan ng kanyang desisyong pagso-solo ang kanyang personal at propesyonal na relasyon kay Nadine. 

“It has not been affected at all right now. We’re still working together. We’re all in good terms, which is great. I just have a bit more freedom now, that’s all.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here