Si Jennylyn Mercado ang Dr. Maxine ng Filipino remake ng ‘Descendants of the Sun’!

1
100
Jennylyn-Mercado-Descendants-of-the-Sun
Kapuso actress na si Jennylyn Mercado, napiling gumanap sa lead role ng 'Descendants of the Sun' Filipino remake.

Kumpirmadong si Jennylyn Mercado ang gaganap na Dr. Maxine para sa Filipino remake ng sikat na Korean drama series na ‘Descendants of the Sun.’

Una itong inanunsyo sa segment ng ‘24 Oras’ na ‘Chika Minute’ GMA noong Huwebes, Oktubre 4.  

Gaganap si Jennylyn bilang Dr. Maxine Dela Cruz na orihinal na karakter ni Song Hye Kyo sa Korean version nito na si Dr. Kang Mo Yeon. 

jennylyn-mercado-bilang-dr-maxine-sa-pinoy-dots
(Image source: annyeongoppa.com)

Ibinahagi ng Kapuso actress sa isang Instagram post ang kanyang tuwa na mapili bilang lead actress ng teleserye. 

“Minsan lang ako magpost about my projects and hindi ko mapigilan ang sarili ko. I am super happy to portray Dr. Maxine De La Cruz of Descendants of The Sun The Philippine Adaptation,” pahayag ni Jennylyn. 

Sinabi rin nito na siya mismo ay nagtaka kung sino ang gaganap sa papel ni Song Hye Kyo  nang malaman niyang inumpisahan na ang paghahanda at pag-tape nito. 

“When I learned that it was me, I was overwhelmed with gratitude for GMA’s trust and also pressured since I know how big this project is,” dagdag niya.

Makakapareha ni Jennylyn si Dingdong Dantes, na napiling gumanap bilang Big Boss o Captain Lucas noong Abril.

Kasama rin sa upcoming teleserye sina Rocco Nacino na gaganap bilang Diego Ramos o Wolf at Jasmine Curtis-Smith na gaganap naman bilang Moira Defensor. 

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here