Jessy Mendiola on wedding with Luis Manzano: Napag-uusapan namin, pero secret muna

0
109
Jessy-Mendiola-on-wedding-with-Luis-Manzano--Napag-uusapan-namin,-pero-secret-muna
Ano kaya ang target date nina Jessy Mendiola at Luis Manzano para sa kanilang kasal?

Inamin ng Kapamilya actress na si Jessy Mendiola na napag-uusapan na nila ng kaniyang boyfriend na si Luis Manzano ang kanilang kasal. 

Sa isang event ng kanyang ineendorsong derma clinic, sinabi ng dalaga na balak na rin nila ni Luis na dalhin sa next level ang kanilang relasyon. 

“Oo napaguusapan na namin. Kahit nga ‘yung kulay. Pero syempre hindi ko muna sasabihin. Secret muna,” banggit ni Jessy. 

Dagdag pa ng aktres ay hindi na siya napipikon kapag tinatanong siya ngayon tungkol sa pagpapakasal kay Luis

View this post on Instagram

Hey partner. ❤️

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

“Hindi ako napipikon. Dati mas nape-pressure pa ko, pero ngayon parang sabi ko nga kay Luis, ‘Siguro ganon ‘yung vibes natin no. Pang kasal na ‘yung next step natin. Kumbaga ‘yung ibang tao nae-excite for us,” pagbahagi ng “Sandugo” star. 

Tinanong din ang aktres kung anong sikreto nila ni Manzano sa kanilang long and steady relationship. 

“Siguro hindi lang siya nag-work sa iba. Katulad sa akin, hindi nag-work sa kaisa-isang ex ko. Pero ganoon talaga ang life. Kaya lang talaga tumatagal ang isang relasyon kasi you’re meant to be. Siguro ‘yung nangyari sa amin meant to be na kami talaga. Kahit nga kami nagulat kami ‘hala three years na tayo,’” sagot ng aktres, na dating nobya ni JM De Guzman

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here