Jimuel Pacquiao, inalukan ng bidang karakter sa isang Hollywood film!

0
26
Jimuel-Pacquiao,-inalukan-ng-bidang-karakter-sa-isang-Hollywood-film
Panganay na anak ni Sen. Manny Pacquiao na si Jimuel, inalukan ng bidang karakter sa isang Hollywood film na may kaugnayan sa kanyang pagboboksing.

Si Jimuel Pacquiao ay ang panganay na anak ni Sen. Manny Pacquiao na gustong sumunod sa kanyang yapak sa pagboboksing. Ngayon, siya ay inalukan ng bidang karakter sa isang Hollywood action film na may koneksyon sa kanyang kinahihiligang isports. 

Nanggaling ang pagkumpirma ng balita sa business manager ni Sen. Pacquiao na si Arnold Vegafria. 

Ayon kay Vegafria, mala-”Karate Kid” ang tema ng pelikulang inaalok kay Jimuel. Ika niya ay baka humanga ang mga film producers sa mga galaw ng bata sa kanyang pagboboksing. 

“Kasi, because of the videos yata niya, iyong mga boxing niya. About boxing yata iyong film. So, nakikita iyong boxing skills niya, saka iyong action skills niya. So, nagkainteres. E, guwapo naman si Jimuel! Sana, matuloy. Pag natuloy, better for us,” kwento ni Arnold sa kanyang panayam sa PEP. 

Dagdag pa ni Vegafria, kukuhanan ang pelikula sa Manila, Japan, at United States. 

Ngunit hindi nito alam kung papayagan ni Sen. Pacquiao ang anak dahil kasalukuyan itong nasa kolehiyo. 

“’Di ko pa alam kung papayag si MP Manny Pacquiao. Kung papayagan niya iyong anak niya. Kasi, nasa college na si Jimuel. Nasa La Salle na eh.”

“Kung ma-confirm, malalaman natin by this year. Wala pa iyong final script, e. Then, siyempre, ano iyong package. Kasi siyempre, stop sa pag-aaral, sa pagte-train,” dagdag ng talent manager. 

Naging matunog ang pangalan ni Jimuel kamakailan nang nakumpirma ang relasyon nila ng “Pinoy Big Brother” alumna na si Heaven Peralejo. 

Pagkatapos ay nagkalat ang mga tsismis na hiwalay na ang dalawa dahil sa di umanong paggamit ni Jimuel ng kanyang pera para mamili ng groceries para sa pamilya ni Heaven. Ngunit hindi kalaunan ay kinumpirma nga dalaga na hiwalay na sila pero itinanggi ang mga tsismis patungkol sa kanilang naging relasyon. 

Nang tinanong ang dalaga kung ano ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay, “Siya na lang. Sabihin na lang natin na ako ‘yung nag-let go,” sagot niya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here