John Lloyd at Bea, nakitang magkasama sa isang musical

1
90
John-Lloyd-Cruz-at-Bea-Alonzo-magkasamang-nanood-ng-musical
John Lloyd Cruz at Bea Alonzo

Kapamilya love team na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ay magkasamang nanuod ng “Himala: Isang Musical” sa Circuit Makati noong Sabado. 

Ibinahagi ni Vic Robinson, isa  sa mga cast members ng play, sa kanyang Facebook account ang larawan ng dalawa na nanonood ng musical.

“Thank you Popoy and Basha for visiting Baryo Cupang last night,” sabi nito sa kanyang post. 

One more chance na mapanood ang #Himala2019 sa Oct 6, 8pm.A second chance sa Oct 13, 8pm.PM is da key!Thank you Popoy and Basha for visiting Baryo Cupang last night.

Posted by Victor Robinson III on Saturday, September 21, 2019

Sina Popoy at Basha ay mga sumikat na karakter na ginampanan nina John Lloyd at Bea sa kanilang kilalang pelikula na “One More Chance” na dinirehe ng beteranong direktor na si Cathy Garcia-Molina.

Ang “Himala” ay isang kilalang musical na gawa ni Ricky Lee at Vincent de Jesus, na inangkop mula sa klasikong pelikula ni Ishmael Bernal. Ito ay tungkol sa isang batang babae na nagngangalang Elsa, na naging albularyo at pinaniniwalaang tagapagligtas na maaring mag-ahon sa kanyan mga kababayan na lugmok sa kahirapan at pamahiin. 

Ayon sa isang report ng Pilipino Star Ngayon, naging mentor ni Bea si Lee sa scriptwriting kaya nito inimbitahan si John Lloyd upang panuorin ang play. 

Samantala, nitong nakaraan lamang ay napabalita na naghiwalay na sina Bea at ang kanyang dating nobyo na si Gerald Anderson. Sa kabilang banda naman, naiulat din na nakipaghiwalay na si Ellen Adarna kay John Lloyd, ngunit hindi pa nagsasalita ang aktor ukol dito. 

Bukod pa dito, may usap-usapan na magkakatrabahong muli ang on screen partners dahil matagal-tagal na rin mula nang nagkasama sila sa isang proyekto. 

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here