John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, hiwalay na di-umano

0
103
john-lloyd-at-ellen-hiwalay-na-di-umano
Celebrity couple na sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, bali-balitang hiwalay na.

Maraming balita ang kumakalat ngayon na hiwalay na nga di-umano ang live-in celebrity couple na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. 

Ito ay sa kabila ng pagkakaalam ng publiko na masayang nagsasama ang dalawa kasama ang kanilang anak na si Elias Modesto. 

ellen-john-lloyd-together-in-cebu
Ellen Adarna (left) and John Lloyd Cruz (right). (Image source: abs-cbn.com)

Subalit kamakailan lang ay naghiwalay na raw sina John Lloyd at Ellen, ayon sa isang reliable source na mula sa kanilang kampo. Base pa sa sinabi nito, meron na raw lamat ang relasyon ng dalawa bago pa mag-celebrate ng unang kaarawan ang kanilang anak noong June 27, 2019.

“Birthday pa lamang ni Elias, malabo na,” pahayag ng source.

“Co-parenting na lang sila. Hindi naman kasi nagbago mga buhay. Mahirap na ganun,” dagdag pa niya. 

ellen-johnlloyd-son-first-birthday
Ellen Adarna and John Lloyd Cruz’s celebrates first birthday of their son Elias Modesto. (Image source: abs-cbn.com)

Ayon naman sa isa pang source, noong nakaraang buwan daw ay nakapagsabi si Ellen sa isa niyang  kaibigan. 

Sinabi raw ng niya sa kanyang kaibigan na hindi na kayang sakyan si John Lloyd sa kanyang kawirduhan.

Samantala, ayon naman sa ibang reports, nakipaghiwalay daw si Ellen sa aktor dahil isang araw, nagising nalang siya na ayaw na niya sa aktor. 

Nagsimulang magkamabutihan ang dalawa sa set ng ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home, na noon ay pinagbibidahan nina John Lloyd at Toni Gonzaga at kung saan ay naging regular na rin si Ellen. 

Noong Enero 2017 ay lumabas ang balita na merong espesiyal na namagitan sa dalawa, na itinanggi naman ng aktres.

Subalit marami ang nakakita sa dalawa na magkasama. Una ay ang pag-check in nila sa isang hotel sa Mandaluyong at pangalawa ay ang bakasyon nila sa Ilocos Norte.

Noong Setyembre 2017 naman ay nakitang nagbakasyon ang dalawa sa Cebu at ang sweetness nila sa mga video at larawan na kumalat ay ang nagkumpirma sa kanilang tunay na estado.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here