Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, nagpapahiwatig ng ‘A Last Chance’

0
63
john-lloyd-bea-a-last-chance
Real or not? Magkakaroon na ba ng huling pelikula ang "One More Chance?"

Nitong Miyerkules, ibinahagi ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram account ang isang larawan na nagpapahiwatig ng “A Last Chance” kasama ang kanyang onscreen partner na si John Lloyd Cruz. 

Sa post ng aktres, kung saan makikitang magkaharap na nakaupo ang dalawa, ay may caption na: “Matagal nang hindi nagkita at nagkasama. Puwede pa rin kayang magkaroon ng last chance?” 

Samantala, sa mismong larawan ay may nakalagay na “A Last Chance?” na siyang pamagat ng kanilang sikat na mga pelikula,  “One More Chance” noong 2007 at “A Second Chance” noong 2015, at kung saan minahal ang kanilang mga karakter na sina Popoy at Basha. 

Sa una ay akakalain talaga ng mga taga-hanga na masusundan na ng ikatlong bahagi ang pelikula, ngunit makikita sa mga hashtag ni Bea na may kaugnayan ito isang shawarma brand na pareho nilang ineendorso ni John Lloyd. 

Nitong taon lamang ay ipinakilala rin ang aktor bilang bagong endorser ng produkto, kasama sina Bea at isang pang Kapamilya Star na si Piolo Pascual. 

Sa kabilang banda naman, napapadalas na ang paglabas ni John Lloyd sa showbiz, na nagpapahiwatig din ng kanyang pagbabalik sa industriya matapos ang kanyang hiatus. 

Kamakailan lang ay lumabas siya sa teaser ng pelikulang “Culion” na isang kandidato sa 2019 Metro Manila Film Festival. 

Noong nakaraang linggo naman ay nakita rin silang magkasama ni Bea na nanuod ng “Himala: Isang Musical” sa Circuit Makati.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here